My Tag 1

707K 9.3K 1K
                                    

 My Tag 1

Kaizer's POV

          "Mia..." Hindi makapaniwalang sabi ko.

          "Hello, Kaizer. Kumusta ka na?" Nakangiting sabi niya sabay taas ng kamay niya sa ere at kinawayan ako.

          Bigla akong napahawak nang mariin sa cellphone ko at aksidenteng napatay iyon. Sandali akong napatingin sa cellphone ko nang marinig ko ang pagpatay noon.

          Hindi ko pa natatapos 'yung dapat kong sabihin kay Sitti. Pero hindi ko muna iintindihin iyon ngayon.

          Napaangat ulit ako ng tingin sa babaeng nasa harapan ko.

          "Anong ginagawa mo dito?"

          "Hindi mo ba muna ako sasabihan ng welcome back?" Nakangiti na namang sabi niya saka niya tinaas 'yung dalawang kamay niya sa ere na para bang yayakapin niya ako kahit hindi naman.

          Biglang sumama 'yung timpla ng mood ko sa nang makita ko siya.

          Kailan pa siya bumalik? Bakit hindi siya nagsabi? Anong ginagawa niya sa condo ko? Ilang lang 'yan sa mga tanong na pumasok sa utak ko nang makita ko siya.

          Saka...bakit siya nandito?

          "Anong kailangan mo?" Walang emosyong sabi ko saka ko siya tinitigan ng deretso sa mata niya.

          Nakita ko ang paglungkot ng mata at mukha niya saka siya umaayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader malapit sa pinto ng condo ko saka niya ako hinarap.

          "Kaizer, let me ex—"

          "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Mia." Madiing sabi ko saka naglakad papunta sa direksyon niya saka siya nilagpasan at dumerecho sa pinto ng bahay ko.

          "Kaizer, please! Kailangan talaga kitang makausap!"

          Biglang nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko na hinawakan niya 'yung braso ko para pigilan ako sa pagbukas ko sana ng pinto ng condo ko.

          Napatingin ako sa kamay niya saka ko inangat ang tingin ko sa mukha niya.

          "Kaizer please. I need to explain."

          Ilang sandali din akong napatingin sa mata niya na para bang ano mang oras mula ngayon ay maiiyak na.

          Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak mas lalo namang ayokong makita siya na umiyak sa harapan ko.

          Dahan-dahan kong inalis 'yung kamay niya sa braso ko saka ko siya tinitigan ulit sa mata niya at hinarap.

          "Ano pa bang pag-uusapan natin? Di ba tapos na tayo? Di ba ikaw na ang tumapos noon?"

          "Kaizer—"

          "Bakit Mia? Nung nakipagbreak ka ba sa akin hinayaan mo akong mag-explain sa'yo?" Madiing sabi ko saka ako nagpatuloy. "Nung hinabol kita para tanungin ka kung bakit, nakinig ka ba sa akin? Hinarap mo ba ako ng maayos? Nagsayang ka ba ng kahit isang minuto ng oras mo para lang kausapin ako huh?"

          Bigla akong napakuyom sa kamao ko nang makita ko na siyang umiyak.

          "Kaizer, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na saktan ka eh! Hindi ko ginusto 'yun!"

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now