My Tag 40

276K 4.6K 885
                                    

My Tag 40

Sitti's POV

            "SAAN mo ba gustong pumunta?"

            "Kahit saan."

            "Hindi nga! Saan mo nga gusto? Dali! Dadalhin kita doon. Sige na. 'Wag ka ng choosy. No choice ka rin naman eh! Ako masusunod sa araw na 'to kaya kung anong sasabihin ko, susundin mo. Basta 'wag lang sa malayo kasi wala na tayong pamasahe. Ay teka! May discount ba ang estudyanteng hindi naka-uniform sa araw ng Linggo sa MRT?"

            O huh? Lakas maka-master-slave ng drama namin ni Kaizer Buenavista.

            Pero siyempre, 'di naman seryosohan 'yang naisip ko na master-slave setting namin. Gusto ko lang talaga na ako ang masunod sa "date" namin na ito.

            Ang laki niyang ARGH noong malaman ko 'yong mga pinagdidikit niya sa likuran ko. Ang laking GRRR talaga!

            Ako dapat nag-a-ala Wattpad writer dito sa amin ngayon eh! Hindi siya! Saka wala siyang karapatang agawin sa akin 'yong spot light ngayong araw dahil hindi ako nagpuyat para mabaligtad ang sitwasyon namin.

            Kahit na hindi pa rin naaalis ang atensyon sa amin ng mga taong makakasalubong namin dito sa mall dahil sa agaw-eksena kong colorful heart papers shinning, shimmering, splendid na nakadikit sa likod ng damit ko eh hindi na rin ako masyadong nababagabag sa kanila.

            Bakit? Dahil nasanay na ako? Hindi rin. Naisip ko kanina-salamat sa aking nakakabilib minsan na katalinuhan-na hindi lang pala ako ang mapapahiya sa aming dalawa ni Kaizer. Damay rin pala siya dahil kasama ko siya.

            At dalawa na kaming hindi makakapunta sa mall na 'to! Bwahahaha!

            "Dito na lang tayo. Ayoko ng lumabas," bagot na sabi niya habang nagpapalakad-lakad kami sa hindi ko alam kung anong floor na 'to at wala akong ide-ideya bakit kami nandito.

            "Katamaran mo rin minsan ano?" sarcastic na sabi ko.

            Siya nga pala, magmula pa kanina matapos naming lumabas sa Japanese restaurant na iyon-magmula pa pala ng tumapak kami sa lugar na 'to-hindi na nabitawan ni Kaizer Buenavista ang kamay ko.

            Pwew! Mabuti na lang talaga at walang nagbibigay ng demerit para sa PDA dito sa mall ano? 'Buti na lang talaga!

            "Dali na! Saan mo nga gustong pumunta?"

            "Bakit ba ang kulit mo, TG? Sinabi ng gusto ko na dito at ayoko ng lumabas."

            Huminto kami ni yabang sa tapat ng sinehan dito sa mall.

            "Oy! Oy! Oy! Wala akong panlibre sa'yo d'yan ah?"

            Nakita ko kahit naka-side view sa akin na nagpipigil na naman siya ng tawa niya sa sinabi ko.

            Wala na. Confirm. Nalaglag na talaga 'yong turnilyo ng isang 'to kanina.

            Kanina pa tawa nang tawa nang walang dahilan. Hash tag baliw.

            "Alam ko naman na wala ka ng panlibre sa akin, TG kaya 'wag kang mag-alala. Wala akong balak pumasok d'yan sa loob nang walang libreng ticket."

            Ang lakas magparinig ng isang 'to eh no! Ang lakas na ngang mangonsensya, lakas pa magrinig.

            'Yong totoo? Saan niya tinatago 'yong speaker niya nang mahinaan ko ng volume at wala akong maririnig na kahit ano.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now