My Tag 28

186K 4.3K 1.3K
                                    

My Tag 28

Sitti's POV

          Ito na talaga! Ito na talaga ang araw na pinaka isusumpa ko sa lahat ng date sa kalendaryo! Ang talent showcase pauso ng Eastton day! Kakaiyak!

          "O, anak! Good luck sa show mamaya ah? Break a leg!"

          "Ma, kinakabahan na nga po ako at malapit ng masiraan ng bait kakaisip kung anong gagawin kong pagtakas plan sa talent showcase na iyon tapos sasabihan niyo pa po ako ng break a leg? Ma, naman! Mahirap magperform kapag napilay ako!"

          Matagal akong tinitigan ni mama sa mukha bago siya lumapit sa akin at tinap ang ulo ko.

          "Komedyante ka anak ah? Ayos lang 'yan. Di kita babatuhin ng nabubulok na kamatis dahil sa sinabi mo."

          Grabe 'tong si mama! Sinabihan na nga niya ako ng break a leg tapos pagbabalakan pa niya ako na babatuhin ng nabubulok na kamatis?!

          "Siya pala may ibibigay ako sa'yo."

          Sandaling umalis si Mama sa harapan ko at lumabas ng kwarto ko habang ako naman ay muling humarap sa computer ko saka ko in-upload ang mga selfies namin ni MM kahapon doon sa music room.

          For the first time in forever, nagkaroon na rin ako ng picture kasama si MM sa cellphone ko. 'Yung kuha kasi sa amin noong photoshoot para sa school advertisement ay hindi pa nabibigay sa amin.

          Napapangiti ako sa sarili ko habang tinitingnan ko mga picture namin ni MM. Ngayon na-confirm mo na na ang gwapo talaga ni MM lalo na kapag nakangiti siya.

          Ang puti ng ngipin niya! Nakakatuwa!

          "Ano bang toothpaste nito?"

          Nang matapos kong ma-upload 'yung selfie namin ni MM, pinangalanan ko ng "best friends forever" 'yung album na iyon saka ako pumili ng best picture namin ni MM at ginawa iyong cover photo ng FB ko.

          Kawawa kasi 'yung cover photo ko. Puro na lang anime. At least ngayon may cover photo na ako ng totoong tao.

          "Ito na anak ng nanay mong maganda! Dyaran!"

          Nagulat ako nang sa paglingon ko eh sumalubong sa mukha ko 'yung isang pink na gitara.

          "Hala, Ma! Saan po 'to galing?!" Gulat na gulat na sabi ko habang hinahawakan ko ang base at strings ng gitara.

          Ang ganda ng kulay! Favorite color ko! Pink!

          "Nakita ko lang 'yan sa attic natin nung isang araw."

          "Ano pong ginawa niyo sa attic natin?"

          "Nagkape. Tumambay. Nagliwaliw. Nagpedicure."

          "Mama naman!"

          Tinawanan lang ako ni Mama nang bigla akong napasimangot sa sagot niya.

          "Joke lang. Di ka na mabiro. Inilipat ko lang sa attic 'yung mga gamit natin na di na masyadong nagagamit. Saka naglinis na rin ako doon."

          Tumango-tango na lang ako sa sinabi ni Mama sabay hinaplos ulit 'yung gitara at sinubukan kung okay pa ba iyon gamitin.

          Medyo wala na sa tono 'yung gitara pero okay pa naman.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now