My Tag 46

184K 4.2K 2.7K
                                    

My Tag 46

Sitti's POV

            HINDI ko alam kung bakit naging big deal sa school ang pagkakahuli nila sa amin ni Kaizer sa may roof top. Hindi ko alam bakit kailangan na naman nilang magbulungan dahil sa bagay na iyon at hindi ko alam kung bakit ang dali lang sa kanila na magsalita ng masama sa ibang tao dahil lang sa napakababaw na dahilan na iyon.

            Wala naman silang nakitang ebidensya 'di ba? Wala naman silang nakitang kahit ano 'di ba?

            Kaya bakit?

            "Narinig niyo na ba ang balita? Absent daw si prince!"

            "Talaga? Bakit? May sakit ba siya? OMG!"

            "Gaga! Wala siyang sakit. Um-absent lang!"

            "Hala! Bakit? Hindi naman pala-absent si prince 'di ba?"

            Absent si Kaizer? sa isip ko.

            Bakit ngayon niya pa naisipang um-absent? Malapit na 'yong contest 'di ba? Saka hindi ba nagpa-practice sila ni Mia para doon sa magiging performance nila sa talent portion?

            "Baka naman hindi na niya nakayanan 'yong eskandalo nila ni malandi sa rooftop?

            "Oh my god! Kawawa naman si prince natin!"

            "Dalawin natin siya mamaya. Malay mo mapagaan natin ang loob niya."

            "Sige! Sige! Tapos i-cheer na rin natin siya. Sabihin natin na nandito lang tayo para suportahan siya."

            "Tama. Saka kasalanan kasing lahat ng malandi na 'to eh!"

            "Tama! Siya dapat ang um-absent at hindi na pumasok sa school habang-buhay kasya naman kay prince."

            "Tsk! Nabawasa tuloy ng gwapo sa school na 'to."

            "Ang landi kasi eh!"

            "Mang-aagaw!"

            "Fame stealer!"

            "Bitch!"

            Hindi ko na pinansin 'yong obvious na parinig sa akin ng mga babaeng nakakasalubong ko sa school open field.

            Second day na 'to at parang mas lumalala pa yata sila.

            Kaya mo 'yan, Sitti! 'Wag kang susuko! Kaya mo 'yan! Fight—

            "Hoy malandi!"

            Nagulat ako nang sa pag-angat ng tingin ko sa taas kung saan nangggaling ang boses na iyon ay may bigla na lang bumuhos na isang balde ng malamig na tubig na may yelo pa sa ulo ko sabay nagtawanan 'yong mga taong nagbuhos sa akin ng malamig na tubig na iyon.

            "'Buti nga sa'yo!"

            "Ang landi mo kasi!"

            "Hindi ka na dapat nag-aaral dito!"

            "Hiwalayan mo na ang prince namin!"

            "Mas bagay pa sila ni Mia."

            "Bagay lang 'yan sa'yo malandi ka!"

            Dinig na dinig ko pa 'yong tawanan nila nang umalis na sila sa bintana kung saan nila itinapon 'yong tubig na dala-dala nila habang napapayakap na lang ako sa sarili ko sa sobrang lamig.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now