My Tag 33

250K 4.5K 1K
                                    

My Tag 33

Sitti's POV

            Isang araw na ang nakakalipas pero wala pa namang ginagawa 'yong Jonas the feeling gangster na 'yon sa akin.

            Sabi na eh! Magaganda lang inaagaw no'n! Tsk! Paranoid na naman si yabang! Akala naman niya kagandahan ako para mapansin ng mga gaya ni Jonas na feeling gangster ano.

            "Sitti!"

            Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko tapos nakita ko si Mia na pababa sa sasakyan nito.

            Wow! Ang yaman! Naka-kotse siya papasok sa school!

            Pinanood ko siya habang hirap na hirap siya na ibaba no'ng driver ng sasakyan niya.

            Sa tuwing nakikita ko siya, 'di ko pa rin maiwasan na makonsensiya. Saka medyo nahihiya rin ako para sa school namin.

            Ke-bago-bago niya lang sa school namin pero ito na ang nangyari sa kanya.

            "Salamat," nakangiting pasasalamat niya doon sa driver niya saka siya humarap sa akin at ngumiti.

            Napangiti na rin ako sa kanya nang ngitian niya ako. Wala eh! Nakakahawa 'yong ngiti niya saka ang ganda-ganda niya talaga. Hashtag female crush!

            "Gusto mo bang tulungan na kita sa bag mo?"

            "Hindi 'wag na. Okay lang ako."

            Kahit na nakangiti niyang tinanggihan ang alok ko sa kanya, inagaw mo pa rin sa kanya 'yong shoulder bag niya saka ako na ang bumuhat doon.

            "Thank you, Sitti."

            "Wala 'yon." nakangiting sabi ko sa kanya.

            Habang naglalakad kami ni Mia papasok sa field ng school namin, ang dami na rin naming pinagkwentuhan tulad na lang no'ng palabas sa TV kagabi na Korean, tungkol sa mga dati at nabago sa school at siyempre 'yong nangyari sa nakaraang talent showcase.

            "Alam mo hindi ko talaga akalain na ang galing mo palang kumanta, Sitti."

            "Hala! Hindi naman!" nahihiya pang sabi ko. "Ikaw nga eh! Ang galing-galing mong sumayaw. Kayong dalawa ni Margaret."

            No'ng nabanggit ko 'yong pangalan ni Margaret, bigla na lang nawala sa labi ni Mia 'yong ngiti niya saka iyon napalitan ng installment na ngiti.

            "Lagi namang magaling sumayaw si Margaret. Ang laki pa ng ginanda niya ngayon. Kaya hindi na ako magtataka kung siya na ang queen bee sa Eastton ngayon."

            "Siya naman talaga na ang queen bee dito."

            Bigla kaming huminto ni Mia no'ng nasa kalagitnaan na kami ng field ng school saka siya dahan-dahang humarap sa akin gamit siyempre 'yong pang-alalay doon sa paa niya na isang metal na saklay.

            "Sitti, pwede bang humingi ako ng favor sa'yo?"

            "Sige. Ano ba iyon?"

            Parang nag-aalangan pa si Mia na magsabi ng pabor niya sa akin kaya bigla kong nilagay 'yong isang kamay ko sa ibabaw ng balikat niya saka siya nginitan para maging magaan sa kanya 'yong pabor na hihingin niya.

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon