My Tag 38

251K 4.9K 1.4K
                                    

DAMI TYPO. DI NA-EDIT. KATAMAD. PAKI INTINDI NA LANG. SALAMAT.

My Tag 38

Sitti's POV

            GIRLFRIEND confession number one: ang hirap maging girlfriend lalo na kung ang boyfriend mo ay ang pinakasikat na lalaki—lang naman—sa school niyo.

            "Ano bang magandang ibigay sa kanya?"

            Ini-scroll ko pa ang mga nadadaanan ng mata ko na picture sa isang page na nagsa-suggest ng mga magagandang iregalo raw sa mga lalaki.

            "Hindi. Hindi siya 'to," sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa monitor ng computer ko at tinitingnan ang sikat na sikat na galaxy cap. "Hindi naman yata siya nagsusuot ng sombrero."

            Tumingin pa ako ulit ng mga picture doon sa page na iyon para makahanap ako ng ideya sa kung ano ba ang pwede kung ibigay sa isang gaya ni Kaizer Buenavista.

            Ano bang mayroon? Bakit ako naghahanap ng ireregalo? Anong okasyon?

            Sa totoo lang wala rin akong ideya kung ano bang especially ngayon. Nalaman ko lang din kung anong mayroon ngayon nang tumunog ang reminder ng cellphone ko saka pinaalala sa akin kung anong okasyon ngayon

            Second monthsary namin ni Kaizer bilang magboyfriend at maggirlfriend.

            Mula pa noong isang gabi matapos nang pinaka nakakahiyang bagay na nagawa ko sa tanang seventeen years ng buhay ko—ang isigaw ang baduy na TB kay Kaizer Buenavista—hindi na naalis sa utak ko 'yong mga sinabi niya.

            Para na nga iyong sirang plaka na flashback nang flashback sa utak ko. Hindi nga ako nakatulog no'ng October 31 dahil doon sa sinabi niya.

            Alam ko naman na nasabi ko na sa kanya 'yong tungkol sa side ko. Pero tingin ko super big deal talaga sa isang Kaizer Buenavista ang tawagin siyang TB.

            Dapat ko na bang ipagkalat sa buong mundo na mas gusto niyang matawag na TB kaysa doon sa pangalan niya talaga? sa isip ko.

            Hindi ko na masyadong pinag-isipan pa 'yong naisip ko ngayon-ngayon lang at nanghanap ulit ng pwede kong ibigay kay Kaizer Buenavista.

            Ano nga bang magandang ibigay sa isang taong may pambili naman sa kahit na ano mang gustuhin niya?

            "Ah!" Napasabunot na ako sa buhok ko sabat napakamot doon bago ko mas binilisan ang pag-iiscroll ko at pagscan sa mga picture.

            Mga pang-jejemon naman yata lahat nang nakikita ko.

            Nasa gano'n akong pag-iisip nang may bigla na lang nagsend ng private message sa akin.

            "Nag-PM si yabang?" sabi ko sa sarili ko nang makita ko 'yong chatbox niya.

            Himala! Nag-online si Kaizer Buenavista!

            Mabilis akong umalis doon sa page na tinitingnan ko sana bumalik sa home ko nang may makita akong new notification notice sa FB ko saka isang friend request.

            [Kaizer Buenavista send you a relationship request.]

            Hindi pala talaga siya friend request. Relationship request lang pala natanggap ko.

My Tag Boyfriend (Season 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora