My Tag 11

317K 5.7K 1.2K
                                    

My Tag 11

Kaizer's POV

"Alam mo na birthday ni Mobi ngayon?!"

"Oo. Bakit?" Bigla akong napakunot-noo. "May masama ba doon?"

Pinanlakihan ako nang mata ni Kris saka siya napahakbang paatras saka binigyan ako nang hindi makapaniwalang tingin mula ulo hanggang paa.

"Kai Kai, akala ko noon kaibigan kita. Pero hindi pala!"

'Umarte na naman ang kaartehan ng taong 'to'

"Naka-calendar sa cellphone ko 'yung birthday ni Mobi. Ikaw pa nga naglagay noon sa cellphone ko di ba? Pati 'yung sa'yo at kay Patty nilagay mo sa cellphone ko. Kaya paano ko hindi malalaman?"

Napasinghap ito sa OA na paraan. Psh! Ang bakla talaga nitong si Kris.

"Oy huh! Hindi ako naglagay niyan diyan! Ang bintangero mo ah! Hindi ko nga naalala na birthday ngayon ni Mobillow tapos sasabihin mong ako naglagay niyan diyan?! Huh! Wag kang namimintang Kai Kai! Masama 'yan!"

"Ewan ko sa'yo." pabulong na sabi ko saka humarap sa screen ng laptop ko.

"May regalo ka na kay Mobillow?"

"Nagpadeliver na ako ang isang plastik ng marshmallow sa kanya. Okay na 'yun." sabi ko saka in-open ang Facebook ko.

Psh! Bakit ba ang dami-daming nag-a-add sa akin dito? Minsan nga lang ako magbukas ng bagay na 'to tapos add pa sila nang add sa akin? Wala na bang ibang magawang matino ang mga tao ngayon kundi mag-Facebook na lang?

In-scan lang nang mata ko 'yung mga nag-add sa akin. Tsk! Hindi ko naman kilala ang mga 'to bakit ko sila i-accept?

Sunod kong tiningnan 'yung inbox ko. Mga walang kwentang message naman nakalagay doon kaya di ko na lang binuksan/

At sunod kong pinuntahan 'yung Facebook profile ni Mobi para batiin siya doon.

Tinatamad kasi ako pumunta sa kanila ngayon. Sa totoo lang masama pakiramdam ko. Ewan. Para yata akong lalagnatin. Dahil siguro 'to sa sobrang practice noong nakaraan para sa championship.

Kaya sa Facebook ko na lang muna babatiin si Mobi. Saka ko na lang siya personal na babatiin kapag maayos na 'yung pakiramdam ko.

Kaya lang, pagpunta na pagpunta ko sa wall ng Facebook ni Mobi, puro pangalan ni Sitti Sandoval ang nakita ko.

Para yatang mas lalong sumama 'yung pakiramdam ko habang ini-isa-isa kong basahin 'yung mga message ni Sitti kay Mobi. May ilan doon na nakakatawa pero hindi ako natutuwa.

Minsan napapa-isip talaga ako kung talaga bang magbest friend lang ba talaga si Mobi at si TG o may iba pa.

Hindi sa wala akong tiwala kay TG, nakakaduda lang kasi 'yung closeness nila ni Mobi.

Tapos ito namang si Mobi, lakas pa ako asarin! Huh! Akala siguro niya nagseselos ako sa kanilang dalawa, sa kanya.

Huh! Hindi no! Hinding-hindi mangyayari iyon!

Si Kaizer Buenavista? Magseselos?! Huh! A-S-A!

'Eh di ba inamin mo na nga noon kay Sitti na nagseselos ka kay Mobi noong photoshoot niyo para sa school advertisement ad?' sabi nung boses sa utak ko.

My Tag Boyfriend (Season 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora