My Tag 39

248K 4.8K 942
                                    

DI NA-EDIT. MAGULO. DAMI TYPO. SHALALA~ LOL.

My Tag 39

Sitti's POV

            DAHIL sa wala akong ka-ide-ideya kung saan ko ba dadalhin ang isang gaya ni Kaizer Buenavista—at dahil na rin sa wala talaga akong ideya kung ano ba ang mga gusto niya, gustong gawin o gustong puntahana sa second monthsary namin—dinala ko na lang siya sa mga paborito kong lugar.

            Aba! 'Wag siyang mag-iinarte sa akin kundi sisipain ko talaga paa niya nang sobrang lakas! Hirap na hirap na nga ako kakaisip kung saan ko siya dadalhin at kung ano ipangreregalo ko sa kanya—na hanggang ngayon ay wala pa rin akong nabibili—tapos magrereklamo pa siya?

            Huh! Ano siya? Gwapo para umarte? Ano siya? Artista? May karapatang um-attitude?

            "Anong gagawin natin dito?"

            'Yan. 'Yan agad ang tanong niya nang dalhin ko siya dito sa may isang mall sa Mandaluyong at ngayon ay nakatayo na kami sa harapan ng isang sikat na book store.

            "Ano pa bang ginagawa dito? Malamang titingin tapos bibili kapag may nagustuhan at may pangbili!"

            Hindi ko maiwasan na magmilosopo na naman sa kanya.

            Eh kasi naman 'yong tanong niya eh! Ano bang ginagawa sa book store 'di ba?

            Tanong pa siya nang tanong! Ang lakas na nga ng kabog ng dibdib ko sa kaba dahil baka hindi siya matuwa ngayong araw na 'to tapos ganoon pa itatanong niya sa akin.

            Waaaaah! Nararamdaman ko na! Ramdam na ramdam ko na na magiging epic fail ang plano ko na ito.

            "TG, wala akong balak bilhin d'yan sa loob," bagot na sabi niya.

            Napatingin ako sa mukha niya ng ilang sandali.

            Siguro nararamdaman na niya na may plano akong masama—este kung ano sa kanya. Siguro nararamdaman na niya na may plano ako at dahil hindi siya natutuwa, papahirapan niya ako.

            Waaaaah! Sadista talaga si Kaizer Buenavista! Sadista 'yong prinsipe sa school namin!

            Pero hindi ako papatalo! Hindi!

            'Wag kang susuko, Sitti! 'Wag mong sayangin ang pagpupuyat kaka-Facebook—este kakaisip pala ng gagawin mo para sa monthsary niyo ng mayabang na nilalang na katabi mo ngayon.

            Napapatango ako sa sinabi ng boses sa utak ko.

            For the first time—first time nga ba?—natuwa ako sa sinabi niya sa akin.

            Muli kong hinawakan 'yong braso ni yabang saka siya hinila papasok sa loob.

            "'Wag ka ng maarte! Sumama ka na lang. Ako ang masusunod sa araw na 'to kaya wala kang karapatang magreklamo okay?"

            Ewan ko ba kung guni-guni ko ba na nakita ko si Kaizer Buenavista na ngumiti matapos ko siyang hawakan at magsalita o sadyang paranoid lang talaga ako dahil sobrang palpak na ng mga naisip kong biglaang plano?

            Ah ewan! Basta! Kahit ano na lang! Sabi nga nila, it's the thoughts that counts  naman 'di ba?

            Kapag hindi niya nabilang 'yong thoughts ko, bahala na siya! Basta ako gumawa ako, kumilos at wala na siyang karapatang magreklamo dahil hawak-hawak ko na siya.

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon