My Tag 50

213K 4.1K 2.2K
                                    

A/N: Maraming salamat sa lahat ng TAGGERS at MEMPians na sumabay sa amin na manood ng pilot episode ng My Ex, My Professor sa TV5. Salamat sa mga taggers na sumuporta sa show at sana patuloy pa rin natin suportahan ang palabas hanggang sa Friday. One week na palabas lang siya so... And keep on tweeting with the hashtag #MyExMyProfessorTV5

P.S. Madaming typo ang chapter na ito (lagi naman eh!) dahil di ko na in-edit. Sensya na. Paki intindi na lang po okay? Labyu taggers!

P.P.S. May pa-contest pala ako sa FB Group ng MTB ang maka-cyber date si Mobi Dela Cruz. Hohoho! Join kayo nee? Search niyo sa FB "My Tag Boyfriend Official" then join!

HAPPY READING TAGGERS! Leave comments ah? FLES! Thank you. Labyu all! ♥

My Tag 50

Sitti's POV

            ITO na ang araw na pinaka hindi ko talaga hinihintay at mas lalong wala akong balak maging exited para lang abangan.

            Ang Mister and Miss Eastton University.

            Kagabi matapos akong i-fan service ni Kaizer Buenavista, nang makarating na si Patty sa bahay para samahan ako nang buong magdamag—kahit hindi na kailangan dahil sana'y na naman ako na lagi na lang akong naiiwang mag-isa sa bahay kapag wala si Mama—ay tinanong ako ni Kaizer kung tapos na ba ang magpractice.

            Kung hindi ko lang siya kilala, iisipin ko na inunsulto ako nang tanong niya na iyon dahil hanggang kagabi ay wala pa rin akong nagagawa na kahit ano para sa magiging talent portion ngayong araw.

            O baka iniinsulto niya ako kagabi?

            Pero mabuti na lang at naging mabait si yabang kagabi kaya tinuruan niya ako na sayawin 'yong sayaw na pinili ko. S'yempre kasama na rin sa nagturo sa akin si Patty at hating-gabi na kami nakatulog para lang matapos ang sayaw na iyon at hating-gabi na rin nakauwi sa kanila si  yabang.

            At ngayon na nga ang araw na mahuhusgahan 'yong cramming na pagpa-practice ko. Ngayon na 'yong araw na ipapahiya ko muli, sa harap ng mas marami pa yatang tao kaysa last year, ang sarili ko at hind ako natutuwa doon.

            "Okay ka na ba, TG?"

            Napatingin ako sa kanya. Gaya ko, para kaming pawis na tinubuan ng mukha't katawan o para kaming pawis na naligo sa tao.

            "Sa tingin ko," hinihingal pang sabi ko.

            "Kaya mo 'yan."

            Nagulat ako nang bigla niyang ipatong sa ibabaw ng ulo ko 'yong kamay niya saka niya marahang ginulo 'yong buhok ko.

            "Manalo o matalo, ikaw pa rin ang nag-iisang champion para sa akin, TG."

            Ang gasgas ng sinabi ni yabang sa akin pero bakit parang namumula yata mukha ko sa sinabi niya?

            Ay! Kakatapos lang pala namin magpractice. Tama. Sa practice lang 'to.

            Ilang oras na lang at magsisimula na ang pinaka inaabangan ng lahat—maliban sa akin—na Mister and Miss Eastton University.

            At heto kami ni Kaizer, nasa may school gym at kakatapos lang aralin 'yong dance step ng APink. Nag-last practice pa kami para daw maka-siguro.

            Grabe! Ang dali-dali niya lang sa video tapos no'ng kami na gumawa—ako lang pala—halos magkandabuhol-buhol na 'yong paa ko kakasayaw.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now