My Tag 36

224K 4.4K 1.4K
                                    

UNEDITED. DAMI TYPO. HAPPY READING.

My Tag 36

Sitti's POV

            "WELCOME to Eastton University section one Halloween party test of courage!"

            Malakas na naghiyawan at nagtilian ang mga kaklase ko matapos isigaw ng malakas ni Jonas ang mga salitang iyon na parang isang game show host.

            Jonas the feeling gangster na may parlor na feeling close na game show host.

            Wow! Humaba pa pangalan niya sa akin.

            Napatingin ako sa mga kaklase ko at aakalain mo na may parade of stars dito ngayon o di kaya may red carpet premiere ng isang palabas dahil sa nagbobonggahang costume ng mga kaklase ko.

            Nakita ko sila Patty at Kris sa isang gilid. Si Patty naka-red riding hood costume—at ang cute-cute niya sa suot niya—samantalang si Kris naman naka-vampire costume din gaya no'ng suot ni Kaizer.

            Si Margarte—na mukhang napilitan lang na sumali dito dahil ayaw niya magtrabaho sa student org—ay naka-she devil costume. Alam niyo na? 'Yong fitted na black suit tapos may sungay siya na suot na umiilaw ng pula at may dala pa siyang latigo.

            Mapapansin mo nga na wala siyang katabi doon sa pwesto niya. Siguro dahil na rin sa takot sa dalang latigo ni Margaret.

            Matapos kong i-check ang suot ng mga kaklase ko, dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa abandonadong building na nakatayo sa harapan namin ngayon. At hindi ko mapigilan na pagtaasan ng mga balihibo sa takot nang makita ko na ang lugar kung saan kami papasok.

            Alam niyo 'yong mga haunted house sa mga anime? 'Yong mga naglalabas ng itim na aura? Parang ganito 'yong building na 'to ngayon. Waaaah!

            Sinasabi ng isang bahagi ng utak ko na tumakbo na ako habang may panahon pa para hindi na ako makapasok sa building na 'to na may itim na aura. Pero sabi naman ng kabila, 'wag daw ako umalis. Kailangan ko daw manatili dito para daw sa kapakanan ni yabang.

            Waaaah! Kasalanan talaga ni Jonas the feeling gangster 'to! Kung hindi niya sinuggest 'to sa klase, wala sana ako dito!

            "Okay ka lang, TG?"

            Napalingon ako sa tabi ko saka ko nakita si Kaizer na mukhang concern na concern sa akin.

            Matipid na lang akong napangiti sa kanya saka ko mas hinigpitan 'yong hawak ko sa kamay niya.

            Magmula nang umalis kami sa bahay hanggang makarating kami sa school para sa magcheck ng mga attendance ng mga attendees hanggang dito sa may mismong lugar kung saan gaganapin ang test of courage ay hindi pa rin ako bumibitaw sa kamay niya.

            Kahit na kanina pa nanlalambot 'yong mga tuhod ko sa takot, pinilit ko pa ring tumayo sa harapan ni Kaizer, sa harapan ng mga kaibigan ko at maging doon sa mga kaklase ko para naman wala na silang masabing masama sa akin at nang wala na rin silang masabi kay Kaizer.

            "Kung hindi mo talaga kaya, pwede—"

            "Hindi," putol ko sa sasabihin pa ni Kaizer. "K-kaya ko 'to."

            "Nautal ka nga eh tapos sasabihin mong kaya mo?"

            "Eh basta! Kaya ko 'to! Ako pa ba? Madali lang 'to!" lakas-lakasang sabi ko.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now