My Tag 10

374K 5.9K 1.2K
                                    

My Tag 10

Sitti's POV

            Ilang araw naging usap-usapan sa school ang nangyari kay Margaret sa stage nung gabi ng celebration para sa pagkapanalo ng school namin sa championship.

          Ilang araw naging laman ng mga bibig ng tsimosa kong classmate yung naging wardrobe malfunction nung suot ni Margaret pero laking pasalamat ko na lang na hindi na tumagal ng isang linggo yung usapan na iyon.

          Saka pasalamat na rin siguro kami sa ginawa ni MM kasi kung hindi agad siya kumilos, baka mas naging malala pa yung naging kahihiyan ni Margaret.

          Kahit na sabihin pa natin na naging masama si Margaret sa halos lahat ng mga estudyante sa Eastton—mapa-babae man o lalaki—hindi pa rin tama yung ginawang pamamahiya nila kay Margaret. Kasi una, hindi lang yun simpleng pamamahiya. Kabastusan niyon. Saka pangalawa, masama iyon.

            Kaya matapos nang mala-roller coaster ride ng aking mga huling araw bilang second year College, sa wakas! Nagtawag na rin ng sembreak ang Eastton University!

          Nakakainis lang. Alam niyo kami na lang talaga 'yung kahuli-hulihang school na nagsembreak! 'Yung sembreak ng iba October. Kami inabot na ng August! Huh! Grabe!

          Sabagay! Iba nga pala 'yung school system namin. Pero kahit na! Tama bang mag-sembreak ng August tapos ang balik September? Nasaan ang katarungan guys?

          "Online ang OP ni Kaizer..."

          Ilang sandali akong nakatingin sa monitor ng computer ko lalo na doon sa may bandang side ng mga list ng online kong friends.  

          Isang linggo na yata mahigit na hindi ko nahahawak yung character na in-o-OP-han ko na si Lyka. Saka ilang araw na rin ang lumipas magmula nang makita ko yung OP ni Kaizer.

          Kahit na sabihin niya na  hindi siya 'yun o kung siya nga talaga, hindi ko rin alam.

          Pero malakas ang pakiramdam ko na siya na nga yung lalaki na nakita kong nakatalikod na malapit sa isang ring doon sa court kung saan nasabi ng OP ni Kaizer na doon kami magkikita.

          Napapaisip ako na kung hindi kaya ako nahila ni yabang, may posibilidad kaya na magkita na rin kami sa wakas nung OP ni Kaizer?

          At kung makita ko nga siya, matatanggap ko ba kung sino siya at yung rason niya kung bakit siya nagpapanggap na ibang tao sa akin kung—sa hinala ko—kilala naman niya talaga ako.

          Iki-click ko na sana sa 'yung name ni Kaizer Buenavista (yung character) para kausapin at kumustahin siya nang bigla akong mapatingin sa right side nang aking Facebook. Doon sa may life event section?

          Nanlaki bigla mata ko sa sumalubong sa akin na pangalan ng isang FB friend ko na may birthday ngayon.

          "BIRTHDAY NI MOBI?!" Malakas na sigaw ko sa nabasa ko.

          Birthday ni MM ngayon?! Hala! Di nga?! Seryoso?!

          Pero ang mas nakakagulat dito...

          MAY FACEBOOK SI MM?!

          'Kailan ko pa naging friend 'to?'Sa isip ko saka clinick 'yung name ni MM sa may birthday section sabay nagtype ng pabati ko sa kanya.

          Pero hindi din natuloy 'yung pagtatype ko.

          'I-PM ko na lang kaya siya para mas personal?'

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now