My Tag 17

229K 4.8K 624
                                    

My Tag 17

Kaizer's POV

          Dapat hindi ko na lang siya tinanong.

          Dapat hindi ko na lang pinilit 'yung sarili ko sa kanya.

          Nagsasawa na ba siya sa akin? Aalis na ba siya?

          Ayaw na ba niya?

          Bigla akong napakuyom sa kamao ko sa mga naiisip ko.

          'Ano ba Kaizer! Hindi ikaw 'to! Umayos ka nga!'

          Sinusubukan kong ayusin ang sarili ko. Pero sa tuwing naiisip ko 'yung naging reaksyon niya, 'yung ginawa niyang pag-iwas nang hahawakan ko na siya, hindi ko mapigilang masaktan.

          Siguro mali 'yung desisyon ko na ipilit 'yung sarili ko sa kanya. Siguro mali na pinilit ko sa kanya 'yung relasyon namin na nagsimula lang naman sa maling pagkaka-tag niya sa pangalan ko sa Facebook.

          Siguro noong una pa lang, 'yung destiny niya na 'yun na talaga ang gusto niya. Na ang gusto niya talaga ay 'yung fake Kaizer Buenavista na iyon at hindi ako.

          Bigla akong nainis doon sa naisip ko saka dumampot ng buhangin sa harapan ako at hinagis iyon.

          'Ano ba Kaizer Buenavista?! Nagseselos ka sa isang tao na hindi mo pa nakikita? Na hindi mo pa nga alam kung totoong tao ba?'

          Madalas kong naririnig na nagiging irrational daw ang mga tao kapag nai-in love sila.

          Madalas kong maisip na kalokohan iyon. Na walang tao ang basta-basta na lang mababaliw nang dahil lang sa pagmamahal na yan.

          Tsk! Nakakainis! Bigla kong nakain 'yung sinabi ko! Natamaan ako nung mga pinagsasabi nila!

          Wala sa loob na napatingin ako sa langit nang wala sa oras.

          At bigla na lang akong napangiti nang maalala ko kung paano kami nagkakilala ni Sitti.

          "ANO?! Hoy! Para sabihin ko sa'yo, hindi foam 'yung dibdib ko! 32-B ako baka hindi mo alam! Ibig sabihin, may dibdib ako!"

          "Alam mo, hindi ka lang pala baliw, ambisyosa ka din pala. Pinagmayabang mo na yang 32-B cup mo?! Anong bra ba yang gamit mo? Baby bra?!"

          "Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako nakababy bra! Bawiin mo sinabi mo! Bawiin mo!"

          "Bakit ko babawiin? Eh nakababy bra ka pa naman talaga? 32-B?! Pffft! Wag mo nga akong patawanin! Ano bang ginamit mong panukat sa dibdib mo? Ruler?!"

          "Alam mo?! Hindi ko alam kung anong nagustuhan ng mga babae dito sa'yo! Ang yabang-yabang mo! Napaka-kapal! Feeling! Akala mo kagwapuhan! Ang sama-sama ng ugali mo! Love is blind nga talaga!"

          "Unang-una sa lahat, Miss, ikaw ang makapal ang mukha sa atin. Pangalawa, totoo namang flat chested ka. At pangatlo, gwapo talaga ako."

          "Hahaha! Nakakatawa! Joke ba 'yun?"

          Nasa malalim ako na pag-iisip nang may bigla na lang akong narinig na tugtog na nanggagaling sa isang gitara.

          The best thing about tonight's that we're not fighting
            Could it be that we have been this way before

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now