My Tag 34

261K 4.5K 765
                                    

My Tag 34

Sitti's POV

            "HALLOWEEN party?" gulat na gulat at sabay-sabay na sigaw namin nang mga kaklase ko.

            "Yup," masayang sagot naman ni Patty na nakatayo ngayon sa harapan ng classroom namin katabi sila Kaizer at Kris.

            "Dahil sa naging exempted tayo sa midterm exam, napag-usapan naming members ng student organization na kung pwede magkaroon ng extra-curricular activity ang section natin bilang isa na rin sa prize natin. At saka para may magawa naman tayong kakaiba this Halloween 'di ba?"

            "At isa pa—"

            "KYAAAAAAH!"

            Biglang nagtilian ang mga kaklase kong babae nang si Kaizer na ang nagsalita at humakbang ng isa palapit sa direksyon namin.

            Ang OA naman ng mga babae na 'to. Parang nagsalita lang si yabang nagtilian na sila agad?

            Sabagay, nakalimutan ko pala na si yabang pa rin pala ang prinsipe sa school. Tsk! Kaya lumalaki ang ulo ni Kaizer eh! Daming nagpapalobo sa ulo niya.

            "Hindi pa ako tapos magsalita kaya manahimik muna kayo," saway ni yabang sa mga kaklase ko.

            At ang nakakabilib ay bigla talagang tumahimik ang klase namin!

            Bakit gano'n? Bakit may pakiramdam ako na mas sinusunod pa ng mga kaklase ko si Kaizer kaysa sa mga Professor namin?

            "Nakausap na namin ang mga deans sa iba't-ibang College department maging ang may-ari ng school at payag naman sila sa activity natin na ito," patuloy ni Kaizer sa sasabihin niya sana kanina.

            "Pero may kundisyon silang binigay," si Kris naman ngayon ang nagsalita.

            Nasabi ko na ba na silang tatlo ay member ng student organization at may mga importanteng pwesto doon? Kung nasabi ko na, makikinig na lang ulit ako sa announcement nila Patty.

            "Hindi sila pumayag na gawin natin ang Halloween party sa umaga at hapon dahil makaka-istorbo tayo sa ibang klase na magti-take ng midterms, kahit 'yong mga huling klase sa gabi. Kaya ang party ay magsisimula isang oras matapos ang evening classes," si Kris ulit.

            "Pinayagan tayo ng president na gamitin ang gym bilang reception ng party natin," nagsalita ulit si Patty. "Pero may kondisyon ulit sila na tayo lang ang magde-decorate sa gym at walang ibang member ng faculty ang tutulong sa atin sa pagpapatupad sa party. Tayo ang kikilos at gagastos sa lahat ng gagamitin natin doon sa party."           

            Biglang umalon ng sunod-sunod na reklamo ang mga kaklase ko.

            Na kesyo nakakatamad daw magdecorate, na bakit hindi na lang daw sila magtawag ng mga gagawa no'n na hindi kasali sa klase namin at iba pa.

            Kahit ako may sarili rin akong reklamo sa party na ito eh!

            Tsk! Ito pala ang pinagkakaabalahan nila yabang nitong nakaraan. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman pala gano'n kalaki ang susunod na event ng student org pero hindi pa rin ako gano'n natutuwa.

            Halloween party? Huh! Okay! Official na! Hindi ako sasama!

            Gaya nga nang nasabi ko na noon, may phobia ako sa mga bagay na nakakatakot o lugar na madilim. Kaya 'wag na silang umasa na sasali ako sa event.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now