My Tag 49

201K 4.1K 548
                                    

Dami typo. Di na-edit. Paki intindi na lang po. Salamat. Love you guys! Mwuah!

My Tag 49

Sitti's POV

Matapos naming magkaayos ulit ni yabang, mabilis niya akong hinila papunta sa may president's office para isumbong ''yong ginawa sa akin ng mga babaeng baliw na baliw sa kanya.

Hindi ko alam kung favortism lang ba talaga o sadyang nadaan talaga sa gandang lalaki ang lahat at naniwala agad sa kanya 'yong vice president ng school sa mga pinagsasabi niya. Oo, wala 'yong president. 'Yong president na feel na feel ko talaga ay basher ko dahil sa dami ng pagpapahirap na binibigay niya sa isang anti-social na estudyante gaya ko sa school na mas importante pa ang socialization kaysa ka-normalan.

Hindi ko talaga alam kung bakit 'pag si Kaizer ang nagsalita sa mga nakakataas, naniniwala agad sa kanya. Kapag kami, parang wala lang. Napagalitan pa nga si Patty no'ng guidance councelor di ba? Nasaan ang hustisya?

Pero mas nakakabilib 'yong hasa ng utak ni Kaizer dahil alam niya 'yong complete name ng mga babaeng nananakit sa akin at mga section nila. Kung ako 'yon, aabutin pa siguro ako ng bagong taon bago makabisado pangalan nila. Amazing!

The perks of being popular nga naman. O baka hindi rin. Ah basta! 'Yon na 'yon!

Basta ang importante ngayon ay bati na kami. Na malinaw na 'yong misunderstanding sa pagitan namin at na boyfriend ko na siya ulit.

All is well nga talaga gaya nang sabi doon sa palabas na 3 Idiots.

At mas masaya ako kasi nakayanan naming lagpasan ang pagsubok na 'to sa tulong na rin ng mga kaibigan namin.

"Kailangan ba talaga sabihin kay Mama? Baka biglang sumugod 'yon sa school. Alam mo naman si Mama," alanganing sabi ko habang binubuksan ko gate ng bahay namin.

"TG, kahit sinong magulang mapapasugod sa school ng anak niya kapag binu-bully 'yong anak nya," sabi ni Kaizer masungit.

"Okay na naman ako eh. Saka kasalanan ko naman talaga kung bakit—"

Hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko nang bigla na lang hawakan ni Kaizer 'yong mukha ko gamit 'yong isang kamay niya lang saka niya ako pwersahang pinaharap sa kanya.

"TG, wala kang kasalanan doon. Wala naman tayong ginawa doon sa rooftop maliban sa natulog alam mo 'yan. Kaya bakit mo aakuin 'yong kasalanang binabato nila sayo kung hindi naman totoo?" sabi niya. "At kung may kasalanan man sa atin dito, ako 'yon. Kasi pinabayaan kita. Kasi hindi kita naalagaan. Kasi hindi kita na-protektahan sa kanila. Kasi naging malaki akong tanga para hindi malaman na sinasaktan na pala ng ibang tao 'yong nag-iisang babae na hindi ko gustong masaktan."

Hindi na ako nakasagot doon sa sinabi niya. O mas maganda sabihing wala akong masagot kasi wala akong masabi. Kasi hindi ko alam kung paano ko hihilain 'yong dila ko sa loob ng bibig ko dahil hindi ako makapag-isip nang matino dahil sobrang lapit ng mukha ni Kaizer sa mukha ko at mas lalong hindi makapag-function nang maayos 'yong utak ko dahil sa abnormal na pagtibok ng puso ko ngayon.

GAD! Kaizer Buenavista! Ilayo mo mukha mo sa akin parang awa mo na!

"TG? Okay ka lang? Namumula ka?"

Bigla kong hinila pabalik 'yong mukha ko nang sabihin niya ang mga salita na iyon saka ko binalik ang atensyon ko sa pagbukas ng gate namin kahit na sa totoo lang, nagwawala na puso ko sa kaba, sa takot, sa nerbyos at sa hindi maipaliwanag na feeling.

Bakit ba may pakiramdam ako na mas lumalala yata 'yong nararamdaman ko sa kanya magmula nang magkabati ka kami?

Ngayon titigan niya lang ako ng malapitan o nasa tabi ko lang siya, tumi-triple na ka-abnormalan ng puso ko.

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon