My Tag 48

186K 4.7K 1.8K
                                    

My Tag 48

Kaizer's POV

            "ANO? Hindi ka na naman papasok?"          

            "Pwede ba, Patty, Kris, umalis na kayo. Wala ako sa mood na kausapin kahit na sino sa inyo."

            Biglang hinila ni Patty 'yong kumot ko at basta na lang iyon tinapon palayo sa katawan ko saka niya inalis 'yong pagkakapatong ng isang braso ko sa tapat ng mata ko.

            "Ano ba, Kaizer! Hindi ka naman ganito ah? Ano bang nangyayari sa'yo? Wala sa ugali mo ang um-absent sa klase!"

            "P'wes, a-absent na ako simula ngayon. Bahala na kayo sa student org."

            Inis kong hinila pabalik 'yong braso ko mula sa hawak niya saka tumalikod sa kanila.

            Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin. Maging isip-bata na ako sa kanila, wala na akong pakialam.

            Wala akong balak makita si Sitti ngayon dahil sariwa pa sa utak ko 'yong nakita ko.

            Sinasabi ko na nga ba. Ano pa bang bago? Bakit pa ako naniwala sa kanya? Kagaya rin pala siya ni Mia na kapag nakatalikod ako, pumupunta kay Jonas.

            Huh! Na-disappoint mo ako ng sobra, Felicity Sandoval.

            May isang bahagi sa utak ko ang ayaw maniwala sa nakita ko. Na baka guni-guni ko lang iyon.

            Pero paano magiging guni-guni 'yong isang bagay na malinaw na nakita ng dalawang mata ko? Paano ko hindi iisipin ang isang bagay na paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko?

            Inakala ko na magiging maayos na sa amin ang lahat kagabi. Akala ko maayos ko kung ano mang gulo 'yong mayroon sa amin kagabi.

            Pero anong nangyari? Nakita ko siyang makikipaghalikan sa walang-hiyang Jonas na iyon.

            Inis akong napasuntok sa kama ko matapos kong bumangon na kinagulat noong dalawang kasama ko dito sa loob ng kwarto ko.

            "Kaizer, ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Patty saka siya tumayo sa harapan ko. "Okay ka lang ba? Alam mo kung talagang hindi mo pa gustong bumalik sa school, gusto kong malaman mo hindi mo kailangan magalit sa amin. Concern lang kami sa'yo kasi best friend mo kami. At nandito kami kasi nag-aalala kami sa inyo."

            "Salamat sa concern niyo pero hindi ko kailangan 'yan ngayon. Gusto kong mapag-isa kaya iwan niyo na ako."

            "Kaizer..."

            "'Wag mo na siyang pilitin, Patty. Hayaan na muna natin siya."

            "Pero Kris paano naman si Sitti—"

            "Wala na akong pakialam sa babae na iyon ngayon kaya kung siya ang dahilan kung bakit kayo pumunta dito, lumabas na kayo bago pa ako magalit sa inyong dalawa," seryosong sabi ko sa kanila saka ko sila tinapunan ng masamang tingin.

            "Pero Kaizer—"

            "Halika na, Pattotie. Umalis na muna tayo," sabi ni Kris saka niya ako pinasadahan ng tingin. "Sarado pa utak ng kaibigan natin ngayon. Magsasayang lang tayo kumausap sa ganyang uri ng tao."

            "Pero Kris..."

            "Halika na," sabi niya saka inakbayan si Patty at inaya ito na lumabas na ng kwarto ko. "Malaki na siya. Alam na niya 'yong ginagawa niya."

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now