My Tag 35

255K 4.2K 816
                                    

Daming typo. Di na-edit. Langkwentang update. Sarreh.

My Tag 35

Sitti's POV

            "MA, ano po ba sinusuot sa Halloween Party?"

            Nandito ako ngayon sa kusina ng bahay namin, sa may dining table, kasamang kumakain si Mama ng hapunan.

            Matapos akong ihatid ni yabang sa bahay, ang tagal kong pinag-isipan kung sasali ba ako sa Halloween party na iyon o hindi.

            Sabi ni yabang, 'wag daw ako sumali. Pero kapag hindi naman ako sumali, may tendency na pag-initan ako ni Jonas the feeling gangster na may parlor na feeling close dahil sa pagiging "KJ" ko. Kapag sumali naman ako, baka nasa tapat pa lang kami ng sinasabi nilang building eh nahimatay na ako. Kapag hindi naman ako tumuloy, baka magbulong-bulungan na naman 'yong mga fan girls ni yabang at ano pa sabihin sa akin na masama.

            Di ba? Nakakabobo mag-isip! Lalo na kung ang pinag-iisipan mo eh 'yong bagay na wala namang kinalaman sa buhay mo at mas lalong walang kinalaman sa anime.

            MY GAD! Bakit ba kasi lumipat sa school namin ang Jonas the feeling gangster na iyon? Dapat siya ang sisihin sa lahat ng nangyayari ngayon eh!

            "Try mong magschool uniform, anak ng nanay mong maganda," sagot sa akin ni Mama sabay subo doon sa pagkain niya.

            "Eh Ma! Halloween party po iyon! Pwede po ba ang school uniform doon?"

            "Malamang hindi," sagot ni Mama sabay tinapunan ako ng bagot na tingin. "Anak naman, Halloween party iyon. Malamang dapat nagsusuot ka ng mga damit na nakakatakot."

            "P-po? Nakakatakot?"

            Bigla na lang nagtaasan ang mga balihibo ko sa katawan nang marinig ko ang salitang nakakatakot.

            Nakakainis talaga na Jonas iyon! Kapag may nangyaring masama sa akin, ipapabash ko siya sa mga fan girls ni yabang!

            "Bakit mo ba natanong?" biglang binaba ni Mama 'yong kutsara't tinidor niya. "Hindi ba bawal ka sa mga ganyan?"

            "Eh kasi po Ma, extracurricular po namin iyon sa school."

            Napapatango-tango na lang sa sinagot ko si Mama saka nagpatuloy doon sa kinakain niya.

            Nagtataka siguro kayo kung sana ko nakuha 'yong matinding takot ko sa mga nakakatakot na bagay ano? Kahit ako rin nagtataka.

            Sabi nga nila, lahat ng tao may kinakatakutan. At iyon na siguro 'yong akin.

            Ang sabi naman kasi ni Mama sa akin dati, wala naman daw akong partikular na phobia o kung ano sa mga nakakatakot na bagay. Basta takot na lang daw ako doon ganoon.

            O baka dahil na rin siguro 'to sa mga napapanood kong horror movies kaya ako natatakot ngayon? Ah ewan. Basta. 'Yon na 'yon.

            "Anong sabi ni Kaizer?"

            Muntik ko nang maibuga 'yong kinakain ko nang bigla na lang mapasok sa usapan namin si yabang.

            "Po?"

            "Anong sinabi ni Kaizer tungkol dito? Pumayag ba siya?"

            Binitawan ko na rin 'yong kobyertos na hawak ko saka napatingin nang derecho sa mata ni Mama.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now