My Tag 24

241K 5.2K 1.2K
                                    

My Tag 24

Kaizer's POV

            Nakakabwisit na meeting iyon! Akala ko isang oras lang ang itatagal! Walang nagsabi na aabutin kami ng mahigit apat na oras sa loob ng kwarto na iyon para lang mag-ayos ng mga gagawi sa program! Tsk!

          Ayoko talaga um-attend ng meeting na may kinalaman sa pagpaplano ng event ng school.

          Dalawang event ang mangyayari ngayong semester na ito. 'Yung isa talent portion tapos 'yung Mister and Miss Eastton University na naman.

          At ang nakakainis sa Patty na iyon sinali na naman ang pangalan ko sa contest na iyon!

          At kaya pala nandoon rin si Mobi dahil siya 'yung nanalo noong nakaraan ang in-explain ni Patty sa kanya 'yung magiging daloy ng contest na iyon.

          Psh! Dagdag trabaho na naman! Tapos isasali pa nila ako. Nakakainis talaga!

          "Bakit kaya nag-uusap ang dalawang iyon ano?"

          "Oo nga eh! Mukhang magkaibigan na nga sila kanina."

          "Sa tingin mo alam na niya 'yung tungkol sa nakaraan?"

          Napakunot-noo ako doon sa pinag-uusapan ng dalawang babae na nakasalubong ko papuntang cafeteria.

          Dapat siguro magpasa na rin ako ng petition sa org na bawal magtsimisan sa hallway dahil nakakainis!

          "Akala ko joke lang ni Prince 'yung pagtawag sa kanya ng baliw. Baliw pala talaga siya."

          Mas lumalim 'yung guhit sa noo ko nang marinig ko 'yung dalawa na namang babae na papalabas sa cafeteria.

          'Si TG ba pinag-uusapan nila?'

          Pagpasok ko sa cafeteria, agad kong hinanap si Sitti. Saka ko siya nakita doon sa pinaka gitnang mesa sa cafeteria habang nakayuko 'yung ulo niya doon sa hawak-hawak niyang cellphone niya.

          'Ano na namang ginagawa niya?'

          Lalapitan ko na sana siya kaya lang nahinto ako sa paglapit ko sa kanya nang marinig ko 'yung usap-usapan ng mga babae na nasa mesa malapit sa akin.

          "Baliw na talaga siya. Kinausap niya 'yung ex ng boyfriend niya?"

          "Oo nga eh! Dinig ko pa kanina Sis, naging magka—"

          "Nandito si Mia kanina?" Bigla kong naibagsak sa harapan nila ang kamay ko saka ko pinutol ang pag-uusap nila.

          "OHMYGAD! Hinawakan ni Prince ang mantle ng mesa natin!"

          "Gosh! Hingin na natin 'to sa cafeteria! Gusto ko ipunas sa mukha ko ang tela na 'to dahil hinawakan 'to ni Prince! Kyaaaah!"

          "I love you Prince!"

          Bago pa ako masugod ng mga baliw na babae na iyon ay dali-dali na akong lumayo sa kanila saka ako naglakad palapit kay Sitti.

          Habang naglalakad ako, hindi ko pa rin maiwasan na mapakinggan 'yung mga usap-usapan ng mga estudyante dito sa cafeteria.

          At lahat sila iisa lang ang sinasabi. Kung bakit daw kinausap ni Sitti si Mia

          'Alam na kaya niya? Sinabi na ba ni Mia sa kanya?'

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon