Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.

47.2K 861 47
                                    

Athena's POV

"KUYA JUSTINE!" Sigaw ni Thea nang pareho naming masaksihan ang pagsabog. Medyo nabingi ako ng kaunti, sa lakas ng impact. Hindi ko nga lang alam kung pati si Thea.


"KUYA!" Sigaw niya ulit at sinubukang tumakbo pabalik ng Arena pero pinigilan ko siya.



"Thea! Delikado." Maikli kong sambit.

Umiling siya at muling tumingin sa pinangyarihan ng pagsabog. "Hindi, hindi. Sina Kuya! Si Kuya Justine!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Naramdaman kong bumibigat ang katawan niya kaya naman inalalayan ko siya sa pag-upo sa sahig.



"Ate Vio, si Kuya Justine.." Nanghihinang sabi niya habang umiiyak.

Napatingin ako sa Arena.

"What. The. Hell. Was. That?"

Cynthia's POV

 

"O? Jed, napatawag ka? Uuwi ka na ba? Ilang araw ka ng wala ah?" Tanong ko sa kabilang linya. Saktong water break ko, sakto kasing nageensayo kami nang tumawag si Jed.

"No, hindi pa ko uuwi. And I told you already, hindi ako makakalaban sa first match natin, marami akong inaasikaso dito," Tumatango ako habang pinakikinggan ang sasabihin niya. "And speaking of that first match of ours..."



Napataas kilay ko.

"Huh? Bakit? Nagtext ba sayo yung Ravenous Frolic, Jed?" Tanong ko pagkatapos kong uminom. Ano pa bang rason di ba? Syempre announcement galing sa Frolic yun, ano pa bang masasabi ni Jed e wala nga siya sa first match namin.

"Er- yeah."

"So? Ano sabi? May re-scheduling bang magaganap? O postponed ang laban this coming saturday?" Tanong ko naman habang kumakain ng cake. Maganda din kapag postponed e, kasi hindi man nagtrining si Athena, palaging wala sa mood.



"Re-scheduling." Ang tanging sagot niya.

"Okay?" Alinlangan kong tanong. "Is there something wrong Jed? You're acting fishy now.."

"Ngayon ang date ng unang match, Cyn."

At tuluyan ko nang nabuga ang cake na sinubo ko, dahil sa sinabi niya. "WHAT?!!!"

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon