Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale

25.1K 509 58
                                    

*months after the incident at the de Castro's mansion*

Kurt's POV

"Dude, magpahinga ka muna. You've been like this for weeks!" Narinig kong sigaw ni Jiro.

Tumigil ako sa pabalik-balik kong paglalakad at hinarap siya, "Di ko pa rin alam kung anong gagawin ko, bro. Baka mapano si Athena sa ginagawa niya."

"Give her some time, Kurt. Hindi naman talaga madali yung pinagdadaanan niya." Sabi ni Blight.

"Dude, kung oras ang kailangan niya, ang dami-dami non. Pero dude, hindi na siya kumakain. Hindi nga siya lumalabas ng kwarto niya e. Hindi rin siya maliligo kung hindi siya pinapaliguan nina Cynthia. Do you really think na wala pa akong dapat gawin?"

Narinig kong bumuntong hininga s Krypton, "Bro, wala naman kaming sinasabi na wala kang dapat gawin. It's just that..."

"You've already tried everything." Pagtatapos ni Sean sa sasabihin niya.

Napaupo ako sa couch kung saan nakaupo sina Blight at Sean. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mga tuhod ko at sinalo ang ulo ko. "What am I supposed to do then? Sukuan siya?!" Naiinis kong tanong sa kanila.

"Di naman sa ganon." Kaagad na sagot ni Jiro.

"But I'm still wondering why you haven't given up on her yet."

Kaagad kong sinamaan ng tingin si Sean sa sinabi niya.

"Dude?!" Pagsuway sa kanya nina Blight.

Itinaas ni Sean ang dalawang kamay niya na para bang sinasabing hindi na siya manlalaban, "Sinasabi ko lang. I'm not saying na dapat nang sukuan ni Kurt si Athena. All I'm saying is, dude, it's been five months since he chose Jed over you."

"Tang*na naman, Sean. Di ka nakakatulong!" Iritang sabi sa kanya ni Krypton.

"Sorry, okay?! Hindi ko naman kasalanan na masakit ang katotohanan." Paumanhin at pagdedepensa ni Sean. "Mas okay naman yung ginagawa ko kaysa sa pangungunsinte niyo diyan kay Kurt."

"Hindi namin siya kinukunsinte." Pangangatwiran ni Blight. "Dude, mahal niya yung tao. Intindihin mo naman."

Nagkibit balikat na lamang si Sean pagkatapos niyang uminom mula sa boteng hawak niya. Hindi na ako nagagalit sa pananalita niyang si Sean. Matagal nang straightforward at blunt yang lalaking yan. Hangga't naiisip niya, sasabihin at sasabihin niya. "Wag na kayong mag-away. Help me think of a way. A way na kahit papaano ay mabalik ang kahit konting Athena man lang."

"Wait, aling Athena yun? Yung Nerd na palaban, yung gangster na bayolente, yung Athena mabait pero b*tch, o yung Athena na inlove at sobrang carefree?" Tanong ni Jiro.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi mo na kinailangang banggitin lahat ng transitions na nangyari sa personality niya. G*go. Basta, kahit ano. Kahit ano naman okay, kaysa naman sa estado niya ngayon."

***

"This way, Sir." Nakangiting sabi ng babaeng nakasuot ng kulay pink na scrubsuit.

Nasa isang ospital ako sa mga oras na ito. Isang ospital na puno ng mga drawing sa pader. May mga drawing ng cartoons, iba't ibang mga animals, mga puno, may mga fairy at mayroon ding mga characters katulad nina Sponge Bob at Patrick. Isa siyang Children's hospital.

Sinundan ko yung nurse kung saan niya ako hinahatid, "How is she?"

"May mga improvements na po, Sir. Gumagalaw na siya, at she began playing with stuff toys." Sagot niya ng nakangiti. Subalit bumusangot muli, "Pero hindi parin po siya nagsasalita. Doc plans to do some tests pa po regarding her case. Pero may assurance naman po na sooner or later, she'll recover since malaking improvement na para sa bata na nakakapaglaro siya."

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now