Chapter Five: See What I Can Do

56.3K 1.2K 73
                                    

Athena's POV

Could this day get any worse?

Bakit ba kasi pinipilit ng lalaking to na makita yung mga mata ko? Why of all places, dapat sa crowded na lugar pa talaga siya magiskandalo? Sobra na talaga akong napipikon to the point na gusto ko na talagang basagin yung pagmumukha niya. Can't he really see na ayokong manghimasok siya sa buhay ko? Hindi ba niya talaga naiintindihan na ayaw kong pinakikialaman ako?

"Ayoko nga, di ba? Bakit mo bang pinipilit na alisin ko to?" Naiinis ko nang sabi. Marahil sa tingin ng schoolmates namin ay nababaliw na ako. Paiba-iba kasi ang mood ko. What? I need to find a way para makawala sa lalaking to, kaya naman I had to try anything I could think of.

 Sinamaan niya ako ng tingin, "Kapag sinabi kong aalisin mo, aalisin mo."

 Mata lang, ang big deal na sakanya. I hate this guy!

  

Cynthia's POV

Bakit ba kasi hindi biniyayaan ng acting skills si Athena? Imbis na maawa ka sakanya e matatawa ka pa. Siguro tatawa ako kung hindi lang kami naiipit ngayon. Kung hindi lang sana siya nagpapanggap edi sana walang ganito.

Sabi niya magdidisguise siya para hindi siya mapatawan ng atensyon, e halata namang hindi nagwowork yung plano niya e. Oo, nerd siya. By her looks nga lang, pero yung ugali niya, ayun palaban parin. Unlike  the physical features kasi, ang personality hindi madaling baguhin. Lalo na kung hindi ka marunong umarte katulad ni Athena.

  

At eto namang si Kurt, sobrang big deal sakanya na malaman kung gray nga ba ang mga mata ni Thene. Nakakainis din naman kasi ang mga mata niya, bakit ba kasi kulay gray yan? E kung sana brown nalang din yan, di na nagkaproblema. Nanunuklaw kaya yang mga mata ng babaeng yan. Alam niyo yung nakakatakot yung mga mata niya, pero nakakaakit? Ganun talaga yung sakanya e. Tsaka tinatago niya, rason niya? Kasi daw ayaw niya sa malalanding lalaki.

Witness po ako sa mga lalaking sinubukan landiin si Athena sa New Jersey. Pero wala siyang niisang pinatulan. Well, pinatulan in terms of sinaktan niya sila physically, pwede pa. Hindi pa nga nagkakaboyfriend yang si Athena e.

Speaking of malalanding lalaki...

Napatingin ako kay Jiro.

Yan na ata ang pinakamalanding lalaki sa balat ng tinalupan. Lahat na siguro ng babae dito sa eskwelahang ito naging girlfriend na niya. Kaya nga yung iba paulit-ulit nalang, payag naman ang mga loka. Believe me, palagi nalang siyang may kasamang bagong babae almost everyweek. Hindi ko nga alam kung bakit pumapayag yung mga yon, e alam naman ng lahat na babaero si Jiro. Babaero since grade school yang lalaking yan. 

Magkaklase na kami simula palang nung grade two kami. Transferee siya noon kaya naman siya ang pinapansin ng lahat noon. Natatandaan ko pa non, ang dami-daming may crush sakanya. Basta ang alam ko lang nun, lahat ng slambook pangalan niya palagi ang sagot ng mga babae sa 'Who is your crush?' na tanong.

Nagising nalang ako sa realidad nang marinig kong sumigaw si Athena, "Ayoko nga sabi e!"

Narinig kong tumawa ng bahagya si Jiro. So akala niya nakakatuwa pa yung mga nangyayari ngayon? Palibhasa kasi, hindi niya alam na Athena wants to stay hidden for a reason. At sa ginagawa ng grupo nila ngayon, hindi sila nakakatulong para makuha ni Thene ang gusto niyang katahimikan.

Huminga ako ng malalim. I should do something. May times na sobrang out of control mag-isip ni Athena. Kaya bago pa may mangyaring ganon, I must do something. Baka lumala pa kasi ang sitwasyon e. I took a step forward, only to be tripped by a random foot.  Kaagad akong na-out of balance. Humanap kaagad ako ng makakapitan out of desperation na wag akong matumba. Pero instead na makatulong yung nahawakan ko, nakasama pa ito dahil imbis ako ang hilain niya, siya ang nahila ko at bumagsak kami sa sahig. 

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now