Chapter Forty Eight - I Love You

20.9K 445 91
                                    

May kasabihan nga tayo na "Time heals all wounds."

Ang sugat daw ay naghihilom sa paglipas ng panahon. Sa bawat minutong nagdadaan, unti-unti itong nagsasara. Pero kapag nagkakasugat tayo, yung panlabas na nakikita lamang ba talaga ang mahalaga? Na kapag nagsara na ang sugat, ibig sabihin ba wala na talaga ito?

Paano yung ala-ala kung gaano kahapdi yung sugot na iyon? Papaano yung ala-ala kung gaano kalalim iyong sugat na iyon? Kung sino nga ba ang may kasalanan kung bakit ka nagkaroon ng ganoong sugat in the first place.

Iyon, hindi mawawala.

Habang buhay mo na iyong dala-dala.

Habang buhay na yun sa isipan mo.

Habang buhay na yun sa puso mo.

Eight years na ang nakalipas mula nung araw na kinuha sa akin ang lalaking mahal ko. Eight years na ang nakalipas mula noong patayin siya ng sarili niyang ama sa aking harapan.

Eight years.

Eight years naman bago mangyari iyon, mga magulang ko naman ang pinatay ng tatay niya sa harapan ko.

Nakakatuwa marahil na isiping, sa walong taon na namang nagdaan, hindi na ako iyong dating Athena.

Hindi na ako nagplano ng kahit ano. Hindi ako nagtanim ng kahit anong sama ng loob. Wala na akong binalak na masama. Wala akong inisip na gagawin sa hinaharap.

Matagal-tagal ko ding pinanghawakan ang nakaraan.

Ayoko siyang bitawan. Mahigpit ang kapit ko sa kanya. Dumating ako sa puntong wala akong kinausap, wala akong hinarap. Nagkulong ako. Kinulong ko ang sarili ko sa kanya, sa nakaraan.

Sa nakaraan kung saan buhay pa si Jed. Sa nakaraang napakasaya ko. Sa nakaraang walang ibang mahalaga kung di siya. Sa nakaraang nasa tabi ko lamang siya. Sa nakaraang kumpleto pa ako.

"Momma." Napangiti ako sa boses na aking narinig. Kahit anong problema na iniisip ko, kapag narinig ko ang tinig niya, sumasaya ako. Nagiging magaan ang pakiramdam ko, at nababalik ako sa realidad at katinuan.

Siya nga pala yung dahilan kung bakit bumalik ako sa kasalukuyan. Siya nga pala yung dahilan kung papaano ko naligtas muli ang sarili ko. Siya nga pala yung dahilan kung bakit maayos na ako.

Anak ko nga pala, si Ynna.

Lumapit siya sa akin at kumandong, "Momma, sabi ni Levi pupunta daw sila mamaya dito." Sabi niya sa akin. Natutuwa ako na kahit eleven years old na tong anak ko, malambing na malambing pa rin siya sa akin. "Sasama rin daw parents niya."

"Sina Cynthia?" Natawa kong sabi. "Ang kapal talaga ng ninang mo, baby. Iniimbita niya yung sarili niya sa bahay natin."

Humagikgik si Ynna na ikinatuwa naman ng puso ko. Sa tuwing tumatawa siya, pakiramdam ko muli kong naririnig ang pagtawa ni Jed. Kapag ngumingiti siya, nakikita ko ulit ang pag-ngiti ni Jed. "Ma, sabi pa ni Ninang, pupunta rin daw sina Tito Blight and Tita Chenoa, si Ninong Krypton at si Tita Suzy, si Tita Yuri, pati si Ninang Thea at si Tito Sean."

Napabuntong hininga na lamang ako sa narinig. Ibang klase talaga yung best friend ko. Nakuha pa niyang magpakain sa pamamahay ko ng wala akong kaalam-alam. Hindi na rin ako nagulat, dati nang gawain ni Cynthia iyan. Naalala ko pa nung unang beses niyang gawin iyon. Gang lang namin noon ang kasama pero inis na inis na ako, tapos ngayon may dumagdag pa.

Pero masaya ako para sa kanya. Masaya ako na naayos na niya ang problema niya sa mga magulang niya. Ikinasal sila ni Jiro three years ago, pero si Levi, yung anak nila, six years old na. Oo, alam niyo na. Hindi na sila napigilan sa sobrang pagmamahalan nila.

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now