Chapter Forty Four - Kurthena

24.9K 499 55
                                    

Athena's POV

"Ay, sht!" Di ko mapigilang sigaw sandaling dumampi ang mapaling mantika sa braso ko. Kaagad akong napatakbo sa may faucet at itinatapat ang braso ko sa tubig. "F*ck, since when did cooking start to be this hard?!"

Yes, I am cooking at the moment. I'm cooking fcking hotdogs.

Sht, that didn't sound right.

But yeah, I'm cooking hotdogs.

"Athena?" I heard Cynthia called from behind me. "Nag-nagluluto ka ba?" Hindi niya makapaniwalang tanong. 

Poker faced ko siyang hinarap, "Hindi, naliligo ako at the moment, Cynthia." I sarcastically said. Siguro naman nakikita niyang naka-apron ako at nakahilera sa tabi ko ang sandamakmak na sunog no hotdogs hindi ba? "Halata namang nagluluto ako e." Dagdag ko pa.

"Para kay Kurt ba yan?" Mapang-inis niyang tanong.

Yes, we're acting as if nothing happened. She knows I hate cheezy make-ups kapag nag-aaway kami. Normal sa amin ang umasta na parang walang nangyari pagkatapos ng malaking away. Ganoon naman talaga kapag magbestfriend di ba? Hindi niyo rin kayang tiisin ang isa't isa. Lalo na't wala naman talagang ginawang masama itong si Cyn. I was the one at fault. 

"Pwede bang wag ka nang mang-asar? Can you just fcking help me? Nauubos ko na yung isang pack, wala paring masarap na outcome. Ilang tries na nagawa ko, ang sakit kaya matalsikan ng mantika." Reklamo ko sakanya.

Mukha naman siyang hirap na hirap sa pagpigil ng tawa. "Oh my God, Thene! Nakailang luto ka na? Mukha kang may bulutong, what the fck. Mantika lahat may gawa niyan?" Tawang-tawa niyang tanong sabay turo sa braso at legs ko na madaming red spots. Yung iba nga nagiging bukol, hindi ko alam kung anong nangyari. For sure tadtad rin neto ang mukha ko.

"Alam mo, kung hindi ka tutulong umalis ka nalang. Mag e-eight na baka magising na yun." Taboy ko sakanya. Badtrip naman kasi, kanina pa akong six a.m. dito e. Pero wala paring progress.

"Aba? Kailan ka pa natutong bumangon ng madaling araw? Tapos nagluto ka pa?" Tanong niya na punong-puno ng malisya. "May naamoy ata akong magkakabalikan."

Kumuha ako ng isang sunog na hotdog at ibinato sakanya yun. "Alis sabi, alis!"

"Biro lang!" Tawang-tawa niyang sabi. "Ano ba kasing ginagawa mo at ang tagal-tagal mong lutuin ang simpleng hotdog?" Tanong niya. Tapos ay tinignan yung nasalo niyang hotdog na binato ko sakanya kanina. "Hindi mo ini-islice?"

"Anong slice? Ipi-prito lang to, di ba? Sira ata yung kawali ng bahay na to e." Wala sa sarili kong sabi habang tinitignan yung ibaba ng frying pan."Ouch!" Sigaw ko nang makaramdam ako ng matigas na bagay na naglanding sa batok ko habang nakayuko ako. 

Pagtingin ko, yung hotdog pala na binato ko kay Cynthia yun. Ganoon ba talaga katigas yung niluto kong yun? "Bakit ka ba namamato? Di ka nakakatulong okay. Tsk." Pagsusungit ko.

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now