Chapter Forty - Hurting Still

22.9K 489 235
                                    

Third Person’s POV

 

Lumabas ang mga kalalakihan mula sa isang nasusunog na mansion, bitbit ang isang batang babae. Tahimik lang ang bata, subalit lumaluha ito. Ulit-ulit niyang pinupupunasan ang kanyang mga pisngi gamit ang maliliit niyang kamay kahit pa hirap siya dahil sa mahigpit na pagkakahawak sakanya ng lalaki.

 

"Athena!"

 

"P*ta,  bilisan niyo na!" Sigaw ng lalaking may hawak sa bata, "Isakay niyo na tong bata sa sasakyan." Iaabot na sana ng lalaki si Athena sa kanyang kasamahan pero naabutan ito ni Miguel. Kahit pa sinubukan ng lalaking ipasok na si Athena sa sasakyan, nagawa pa siyang pigilan ni Miguel, at dali-dali niyang hinablot si Athena. At kumaripas ito ng takbo.

 

"P*tangina, ang tatanga niyo! Habulin niyo sila!" Sigaw nung lalaking kaninang may hawak kay Athena.

 

 

*BANG*

 

"Athena? Si Uncle to, nakikilala mo ko?" Natatarantang tanong ni Miguel habang buhat-buhat si Athena habang tumatakbo sila. Sunud-sunod na ang mga pagputok ng baril na kanilang naririnig, hindi na nila alam kung malapit na silang matamaan ng mga bala  hindi.

 

Tumango si Athena bilang sagot.

 

"Asan sina Mama?" Tanong kaagad ng nag-aalalang si Miguel.

 

Umiling si Athena at muli nanaman itong humikbi. Hindi rin mapigilang lumuha ni Miguel, dahil alam niyang namatay na ang kanyang kapatid at asawa nito. Subalt agad niya itong pinigilan dahil agad niyang naisip na kailangan niyang maging matatag sa paningin ng kanyang pamangkin, siya muna ang kukupkop sakanya. Dali-daling sumakay ng sasakyan sina Miguel, hindi siya tumawag ng pulis, alam niyang wala rin naman silang magagawa dahil hindi lang basta-basta ang mga nangyayari.

 

Bagamat may mga putukan parin, hindi na niya ito pinansin dahil bulletproof din naman ang kanyang sasakyan, regalo ng kanyang pinakamamahal na nakababatang kapatid. Kumaripas lang ng takbo ang kanyang minamanehong sasakyan.

 

Hindi na niya napansin ang malayong tingin ni Athena sa kanilang nasusunog na bahay hanggang sa ito'y mawala mula sakanyang paningin kasabay ng pagkawa ng mga sasakyang sinubukan pa silang habulin.

 

"I will come back."

 

Ang huling naisip ng bata bago ito makatulog dahil sa pagod, usok at sa kaiiyak.

 

 

 

 

 

Athena's POV

 

It’s happening again. Yung gabing iyon, muli nanamang nangyayari sa harapan ko mismo.

 

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now