Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides

27.7K 558 189
                                    

Third Person's POV

 

Tumigil si Athena sa harap ng falls sa may headquarters nila. matagal na siyang hindi nakakapunta dito, malabo na kasi ang Vulture's Vengeance. Hindi narin siya nakikibalita sa Frolic, wala narin naman siyang pakialam doon kasi alam niya sa sarili niyang nagkanda-letse-letse na ang lahat. At wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili lang niya.

Siya na nagpakatanga.

Siya na naging mahina.

Siya na naging malapit sa mga tao.

Siya na nagbago.

Ang tanging gusto nalang niya deep inside ay matapos na lahat ng mga nangyayari. Hindi naman kasi niya hinangad ang kumplikadong paghihiganti. Ang gusto lang niya ay isang simpleng pagkitil sa biuhay ng mga pumatay sa mga magulang niya. Noon, akala niya madali. Kasi hindi naman siya malapit sa mga tao maliban sa tito niya at kay Cynthia. Then Philippines happened. The frolic happened, the gang happened, and Kurt happened.

She never thought na mahirap palang pumatay.

Dati hindi naman niya naiisip to e. hindi kasi siya malapit sa tao. Isolated siya kumbaga.

Akala niya hindi na magiging kumplikado pa ang mga mangyayari and then Jace Ethan de Castro happened as well.

Si Jed na dati ay ka-gang lang niya.

Si Jed na dati'y parating wala.

Si Jed na dati'y walang pakialam kundi ang Frolic.

Si Jed na dati'y nandyan lang at hindi nakikialam.

Tapos sa isang iglap, nagbago siya. Siya nalang ang taong palaging nandyan para kay Athena. Siya nalang ang taong nakakaintindi sa nararamdaman ni Athena. Siya nalang ang may alam kung ano ang gusto at ayaw ni Athena. Siya nalang ang nakakapag-comfort kay Athena. Siya nalang ang nakakapagtahan kay Athena. Siya nalang ang kayang paamuhin si Athena. Siya nalang ang nasasandigan ni Athena. Siya nalang. Kumbaga sa isang storya, dati extra lang siya tapos bigla-biglang magiging main character.

Imbis na tumuloy sa HQ, umupo nalang si Athena malapit sa falls at tumanaw sa malayo.

Athena's POV

 

Anong nangyayari sakin?

What the hell is wrong with me?!

What the fucking hell am I doing?

I feel weak. I feel vulnerable. Every single time na hindi ko kasama si Jed, I feel empty. And don't even get me started sa naramdaman ko kagabi. Wtf is that. It was just a goddamn hug Athena, why the hell did you act like that?

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now