Chapter Thirty Six - I am His

26.7K 465 293
                                    

Athena’s POV

“Athena.” Tawag niya ulit sa pangalan ko.

I felt it. Through his voice, I felt the sadness he feels and the longing he suffers. Pero wala yung hinahanap ko, which is guilt. Bakit hindi ko yun maramdaman? Hindi ba siya nakokonsensya sa ginawa niya saakin? He made me fall for him.  Hindi ba siya nahihiya saakin na ang tatay niya ang pumatay sa mga magulang ko? Na ang pamilya niya ang dahilan kung bakit nagkanda-leche-leche yung buhay at pagkatao ko?

But above all, bakit ang sakit parin? No matter how much I deny it, nasasaktan akong makita siya ngayon. Nasasaktan ako tuwing naririnig ko yung boses niya. Why can’t I help it? Dapat wala na, tama na dapat wala na. Pero bakit meron parin? Bakit parin ako nasasaktan?

Inayos ko muna ang posture ko bago magsalita, “Answer me. What the hell are you doing here? Paano mo nalamang andito ako? Are you following me?”

“Alam kong kay Thea to, sinabi saakin ni Sean. Hindi kita sinundan, nagbaka-sakali ako.” Mahinahon niyang sagot. Bakit? Paano? Bakit siya ganyan umasta? Paano niya nagagawang maging kalmado matapos ang lahat ng nangyari? Sinaktan niya ako, sinaktan ko siya. Nakakainis at ganyan siya ka-kalmado. Pakiramdam ko tuloy, ako lang ang may atraso, ako lang ang nakakaramdam ng tension.

Do you love him?

 

Muli kong naalala ang tinanong saakin ni Cynthia. Mahal ko na ba si Jed?

“Athena, I want to talk to you.” He pleaded. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Naguguluhan ako sa sarili ko. Sino ba talaga ang mahal ko? Mahal ko parin ba si Kurt hanggang ngayon? O wala na talaga dahil si Jed na ang mahal ko? Hindi ko alam, naguguluhan din ako sa sarili ko. Bakit hindi ako makapag-isip ng tuwid? Bakit hind imaging malinaw ang lahat?

Huminga ako ng malalim, “Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Kurt.”

By merely saying his name, bakit nagkakaganito nanaman ako? Tang*na, bakit ang landi ko? Dalawa silang nasa isip ko, dapat isa lang ang nasa puso ko. Pero sino?

“Thene, please hear me out. Kahit hindi mo ako paniwalaan, just please hear me out.” Pakiusap niya.

Hindi ako nagsalita.

“Silence means yes.” Pangunguna niya.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at muli na siyang nagsalita. “Thene, I have no idea what is happening. But I will find out. Soon. Pupunta ako sa New Jersey. Nandoon si Dad. I will try to figure things out, no not to prove you wrong. But to save you from all the mess and confusions. Thene, alam kong magiging mahirap. Wag ka munang bibitaw satin, please. Konti pa. Konti nalang.” Sabi niya, napansin kong namumuo na ang luha sa mga mata niya. Maging ako, naiiyak na sa mga naririnig. “Alam kong naguguluhan ka lang, pero please lang, Athena. Hinatayin mo ko. Hindi pa ako sumusuko. Sana ikaw din. Wag mo kong susukuan, Thene.”

Nakatingin lang ako sakanya. Nasasaktan ako sa mga naririnig ko. Bakit parang lahat ng sinasabi niya, galing sa puso niya? Hindi ba’t dapat galit ako sakanya? Pero bakit naaawa ako at nasasaktan para sakanya ngayon?

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now