Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )

49.3K 1.4K 85
                                    

Jiro’s POV

“Kumusta ka na?” Tanong ko sakanya.

“Uhm.. maayos. Masaya.”

“Masaya? Kahit hindi mo na kami kasama?” Alam ko, pranko ako. Ayoko kasi ng paligoy-ligoy e. Hindi ako yung tipong gusto na marami munang palabok bago sabihin ang kailangan.

Umiwas siyang tingin.

“Jirs..”

“De, ayos lang naman saakin e. Pero papaano si Kurt?”

Binalik niya ang mga mata niya saakin. Bakas ang lungkot at pangungulila sa mata niya. "Hindi naman kita kinokonsensya. Yung akin lang, alam mo namang may concern ako sa bestfriend ko."

"A-alam ko."

"Ganyan nalang ba? Magkikita kayo araw-araw pero hindi kayo nagpapansinan?"

"Hindi ko alam." Mahina niyang sagot.

"Di lang ikaw ang nahihirapan. Alam mo ang sitwasyon niya, tama ba ako? Pero.. akala ko ba tanggap mo?"

"Mahal ko siya."

"Mahal mo siya, pero ang tanong.. tanggap mo ba siya?"

"Oo." Madiin niyang sabi.

"Pero bakit mo siya iniwan sa ere? Bakit mo siya pinaasa? Alam mo bang nasaktan si Kurt?"

Sa hindi inaasahang pangyayari, nginitian niya ako. Yung mala-anghel na ngiti niyang minahal ng bestfriend kong si Kurt.

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now