Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II

22.3K 434 81
                                    

Athena’s POV

 

“What the f*ck.” Agad kong nasabi sa sandaling marinig ko ang malakas na pagputok. By reflex, napaupo ako sa sahig para iwasan kung ano man ang mayroon.

Bakit may pumutok? Ano yung pumutok? Natamaan ba ako? Ay tanga, hindi. Sino ba kasi tong mga taong nagpadukot sakin?! Nasan ba kasi ako? Nakakainis, sobrang dilim kasi kaya wala akong makita-

Napatingin ako sa kalangitan, doon ko napansin ang usok. Usok? Bakit may usok doon?

*BANG!*

Muli, isang malakas na putok nanaman ang nagparamdam, pero this time hindi na ako nagpanic. Dahil nakita ko na ang pinagmumulan at resulta ng mga pagputok na iyon, fireworks. Kaya pala may usok na naiwan, mga fireworks lang pala yung sumabog kanina. Hanggang ngayon ay patuloy parin ang pagputok nila, kanina kasi isang beses lang pero ngayon eto na yung multiple shots. As in maraming patterns at shapes ang lumalabas mula sa mga ito, may smiley, flower at pati narin heart. Ang huli pa’y yung napakabongga, yung parang Disney land ang peg yung parang multiple shots sabay-sabay sa iba’t ibang direction kaya sobrang bongga at ganda.

Matatawag ba akong baliw kung naaaliw ako sa mga nakikita ko? Medyo may obsession kasi ako sa mga ilaw na makukulay, kaya halos makalimutan ko na kung nasaan ako sa mga sandaling panoorin ko ang mga fireworks sa ere.

Bakit nga ba biglang may fireworks? To think, na akala ko ay nasa gitna ako ng kawalan, biglang may fireworks? Hindi ito kidnapping case, sure na ako. Siguro may nanloloko lang saakin. Seryoso, kung may nagpakidnap saakin at nagpaputok ng maraming-maraming fireworks? Iisipin kong si Jed yon.

Tsk. Ayan nanaman, naisip ko nanaman si Jed. Nakakainis, bakit ba kasi hindi niya ako kinakausap? Galit ba siya sakin? Ulit-ulit nalang yung tinatanong ko sa sarili ko e. Pero hindi ko din masisi yung puso ko, kahit desperada na ang tono niya, kasi naman bigla ba naman akong hindi kausapin nun. Bwiset.

Lumutang nanaman siguro ang isip ko dahil hindi ko na napansing natapos na pala ang fireworks display. Halos nabalot na ng usok pati yung paligid ko, hindi lang yung kalangitan. Kayamadilim na nga, halos wala na talaga akong makita.

Okay? Ano nang mangyayari neto?

 “Sh*t!” Maglalakad na sana ako ng biglang may umilaw sa paanan ko. Sobrang liit lang nun, pero alam kong ilaw iyon. Mahilig nga kasi ako sa ilaw, dahil iyon kay Jed. Nadatnan ko kasi siyang nanunuod ng firewors display at dancing lights sa youtube. Kaya naman lahat ng kumukiti-kutitap, gusting-gusto kong nakikita. Pero peste talaga, napasok nanaman si Jed sa usapan e. Nakakasakit.

Humakbang ako ulit.Tapos biglang may umilaw pa ulit, medyo malayo siya sa unang ilaw. Tapos bigla nalang may umilaw ulit, dalawa, tatlo, twenty, forty di ko na mabilang basta lumiwanag yung sahig, basta kada hakbang ko, may bagong iilaw. Doon ko napansin na may carpet pala, kulay red. Oo, red carpet. (Nye). Bale yung mga ilaw kanina, nasa magkabilang side siya ng red carpet, para bang guide paramailawan yung dadaanan. Hindi sila bumbilya, mukha na nga sila halos glitter sa sobrang liit, tapos napakadami nila. Nagmumukha tuloy magical yung carpet.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon