Chapter Ten - The Goddess is Revealed

47.1K 1.4K 47
                                    

Athena's POV

"Athena, importanteng malaman mo to." Ulit ni Jed.

"Teka nga, Jed. Ano bang sasabihin mo?" Tanong ni Cynthia kay Jed, habang ako nakatingin lang sakanya.

Pero hindi siya sinagot ni Jed, instead nakatingin parin si Jed saakin.

"Ano ba yun?" Tanong ko nalang.

Ngunit wala siyang sinagot, instead hinila niya ako palayo kay Cynthia habang tumatakbo. Ako namang hinihila niya napaktakbo narin.

"Jed!!" Tawag sakanya ni Cynthia na naiwan.

"Jed, ano to?" Tanong ko habang tumatakbo parin, hindi nanaman niya ako sinagot. Napansin kong nandito na kami sa tapat ng bigbike niya. Don't tell me may pupuntahan kami?

"Athena." Sabi niya sabay hagis saakin ng helmet.

"San ba tayo--"

"We should talk in private, Athena. Trust me." Mariin niyang pagputol sa sasabihin ko sana. Ano ba talagang sasabihin niya? Napakaseryoso naman ata noon?

Sumakay nalang din ako sa likod niya, at humawak sa parteng likod ng motor, bahagya siguro siyang nagtaka kaya napatingin siya saakin, pero nang makita naman niyang nakahawak ako doon, umandar na siya.

Kurt's POV

 

"Tol, kakilala pala ni Nerd yung mayabang na iyon sa kabilang section ah?" Tanong saakin ni Sean.

"Aba anong malay ko don." Sagot ko naman sakanya.

E sa wala naman talaga akong alam tungkol kay Nerd e? Transferee yan e, malamang wala talaga akong alam sakanya.

Pero dun sa Jed na yun, meron. Sa kabilang section lang siya malapit sa room namin, medyo sikat kasama nung Krypton. Varsity sila parehas, si Jed sa basketball habang yung isa sa swimming.

Iba yung dating ng dalawang yan e. Tsk! Ewan ko ba? Ano namang paki ko sa mga buhay nila?

Athena: The Goddess of ViolenceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora