Chapter Forty Three - Something New

25K 481 65
                                    

Third Person's POV

Mag-aalas otso na ng gabi ay hindi parin nagigising si Athena simula ng ibalik siya ni Kurt mula sa labas. Mataas ang lagnat niya at halos wala ng kulay ang buo niyang katawan sa pamumutla. Gustuhin mang gisingin ni Kurt si Athena, hindi niya magawa dahil mas gusto niya muna itong pagpahingahin.

Hindi na ito umalis sa tabi niya mula ng mabihisan nina Cynthia at Thea si Athena. Nakaupo lang ito at titig na titig habang natutulog ang dalaga.

Cynthia's POV

"Naaawa ako kay, Kurt." Biglang sabi ni Thea. Nasa sala ulit kami, dito kami madalas tumambay ni Thea. "Kawawa siya."

Tumango ako, "Wala e, tanga kaibigan natin."

"Tanga nga, pero lahat naman ng nagmamahal tanga e." Sagot niya saakin.

Kaya naman napatingin ako sakanya, "Aba? Saan mo naman galing yun, aber?"

"Sa TV! Malisyosa ka!" Natatawa niyang sabi pagkatapos niya akong irapan. "Pero seryoso, di naman natin masisisi si Athena e. Maraming nagmamahal ang nabubulag sa katotohanan. Maraming ding nagmamahal ang nabibingi. Parang kayo lang ni Kuya."

Tinaasan ko agad siya ng kilay. Napapansin ko kasi, tuwing magsasalita itong si Thea palagi niyang sinisingit ang tungkol saamin ni Jiro. "O? Paano mo nanaman kami nagawang ipasok sa usapan?"

"Tanga din kayo sa mga oras na ito. Naging tanga kayo, tanga kayo at magiging tanga kayo. Ganoon naman talaga ang love, ate Cyn. Walang siyang pinipiling utak, kasi alam niyang kahit gaano pa katalino ang mabihag niya, magagawa niya itong tanga sa bandang huli." Walang tigil niyang sabi. Ni hindi man ata siya huminga nung sinabi niya yun e.

Tinitigan ko lang si Thea. Siguro ay nakanganga na din ako habang pinagmamasdan siya.

Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig.

"Hoy, utol. Bagay nga kayo ni Sean." Biglang sabi ni Jiro na kababa lang ng hagdan, pero halata sa sinabi niya na narinig niya yung sinabi ni Thea. "Pareho kayong mala-DJ kung magsalita. Hayaan mo, okay lang sakin kung maging kayo."

Kumunot ang noo ni Thea, "Yuck, as if naman. Ayoko dun no, mabaho yun."

"Oh, oh, oh. Ako nanaman ang pinaguusapan niyo. Thea ha, nakakahalata na talaga ako." Biglang singit ng kararating na si Sean. Natatawa talaga ako sa dalawang to, kung magiging sila man in the future, suportado ko sila.

Inirapan siya ni Thea, "Oo ikaw talaga pinaguusapan namin. Ikaw at yung kabahuan mo."

"Anong mabaho? Ipa-amoy ko pa sayo kili-kili ko e!" Hamon ni Sean habang papalapit kay Thea, nakataas na ang kamay nito at handa nang ipaamoy kay Thea.

Napailing nalang ako, "Mga sira."

"Gusto ko nga si Sean para sa kapatid ko." Natatawa namang sabi ni Jiro. Ako lang ang nakarinig dahil busy sina Thea at Sean sa paghaharutan. "Kung hindi ko man kilala masyado si Thea, atleast si Sean kilala ko na. At alam kong hindi niya pababayaan kapatid ko."

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now