Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes

32K 635 109
                                    

Athena's POV

 

 

 

Pagtalikod ko kay Kurt, nakita ko kaagad si Jiro kasama si Cynthia parehong gulat sa nakikita. Hindi ko alam kung anong mga narinig nila o kung meron man. Wala muna akong pakialam sa iisipin ni Cynthia. Wala muna. Tama na muna.

Nilagagpasan ko silang dalawa ng nakayuko, fighting back the tears. Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad, pero hindi pa man ako nakakalayo ay nabunggo ako kung kanino.

"Kailan ka pa natutong maglakad ng nakayuko?" Pilyong sabi niya.

Pagkarinig na pagkarinig ko ng boses niya agad ko siyang niyakap. Siguro pagit tignan kasi para ko siyang sinunggaban sa bigla kong paghila sakanya sa batok. E ano naman kung nakikita ako nina Kurt? E ano naman? Wala na nga di ba? Tapos na. Humahagulol nanaman ako kay Jed ngayon.

"Aba? Napapadalas na to ah? Gawan ko na kaya ng kontrata?" Biro ulit ni Jed, pinalo ko siya sa likod. Mabuti nalang at nandito siya, kasi kung wala siya hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Para kong nawawalan ng direksyon, mukha na siguro akong nasisiraan e. "Alam na niya?"

Tumango ako.

"Mas maganda na yan, mas gusto ko naman si Badass Athena kesa sa Nerdy Athena e." Dagdag pa niya.

Ngumiti ako ng hindi inaalis ang pagkayakap sakanya.

"Thank you."

 

 

 

 

 

 

Cynthia's POV

 

 

Nga-nga.

Nakatingin lang ako kay Jed at Athena sa mga oras na ito. Nandun sila sa may hindi kalayuan saamin. Hindi ako umimik, hindi ako kumibo at hindi ako nagsalita. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, sa nakita ko. Siguro hindi narinig ni Jiro yung mga sinabi ni Athena dahil nauna akong dumating dito, pero that doesn't change the fact na nanikreto saakin si Thene.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon