Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane

45.6K 1K 33
                                    

Athena's POV

*KRRRING!

Dismissal time.

Yes, nasa school ulit ako. D*mn, back to normal! The nerdy attire and even the contacts and the big eyeglasses. Tch.

What a tiresome attire. Sigh.

Wala naman masyadong nagbago dito e. Yung mga pamatay na tingin lang, bukod kasi sa NERD ako at TAPUNAN NG PAMBUBULLY, isama niyo pa yung nangyari last week.

Mabuti pa yung sakin, tulad lang ng dati ang tingin, konti lang ang sama na nadagdag dahil hindi ko naman ginawa yung tulad nung ginawa ni Cynthia e.

Halikan ba naman ang isang PRINSIPE ng kababaihan sa aming school? Sa tingin niyo, papaano kaya siya titignan ng mga fans ng mga kumag na iyon?

EPIC! EPIC GLARES!

And-oh! Speaking of those kumags, hindi pa namin sila nakikita buong araw. 

Or shall I say, hinihila ako palayo ni Cynthia tuwing magkakasalubong palang ang daan namin. Hindi naman siya halata, no?

Ewan ko ba dun sa Jiro na yun. Baka nakalimutan na niya yun, balita ko kay Cynthia BABAERO ng grupo nila yun e.

Kung hindi man niya iyon nakalimutan, edi sana may ginawa na siya kay Cynthia by this time? Mapa mabuti pa yan o masama. Hay! Bahala na nga sila. Mind my own business nalang, psh.

"Athena, nararamdaman mo yun hindi ba?" Tanong ni Cynthia, mula sa tabi ko. Kasalukuyan kaming naglalakad patungong parking lot ngayon.

Oo, tama siya. Kanina ko pa nararamdaman ang pagsunod ng- kung hindi nagkakamali ang reflex ko ay anim na kababaihan. Base sa kanilang yapak, na mahihina, maliliit at mabibilis, tiyak na babae nga sila.

Hindi ko siya sinagot, pero nagsalita siya ulit. "Bakit parang alam ko kung ano kailangan nila..."

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon