Chapter Seven: Jokes For Trouble

51K 1.1K 79
                                    

Third Person's POV

Napangiting tumingin si Chenoa sa kanyang mga kasama. Masaya siya kapag nakikita niyang masaya ang mga kasamahan niya. Habang tinatanaw niya ng nakangiti, naalala niya ang kanyang pinaka-memorable na dare.

Iyong dare na naalala niya ay ang pinakamatindi, pinakanakakatakot, pinakanakakapangilabot at pinakanakakatawang dare na pinagawa sa kahit sinong miyembro ng gang nila. Nakakatawa nalang isipin para sa kanya na isiping kahit na gangster siya, nangingilabot pa rin siya kapag naiisip iyon.

 Ang kontrobersyal na dare na iyon?

Ang dare ay ang magkunwaring girlfriend ng isang random na jejemon sa mall.

Sa unang tingin, aakalaing masungit at seryoso si Chenoa Calderon. Pero sa loob ng fierce-looking na babaeng ito, ay isang pilyang batang nakatago. Kaya naman hindi siya tumanggi gawin ang utos ng kanyang mga kaibigan. Kaya siguro sa kanya napunta ang isa sa mga pinakanakakapanindig balahibong dare na naisip nila ever, ay dahil na rin sa seryosong aura ni Chen.

Sa mall kung saan halo-halong tao, kultura at mga tradisyon ang matatagpuan... hindi nahirapan ang mga magkakaibigang makahanap ng victim para sa gagawing dare ni Chenoa.


Isang lalaking naka-camouflage shorts, isang napakalaking lakers na jersey tank top, at red na converse na nasa labas yung star. Syempre, may bling bling na gold pa siya, peace ang nakasulat partnered with his jejecap na nakapatong at hindi nakasuot sa ulo niya. Nakasuot din ito ng sandamakmak na ballers, na umabot na hanggang sa siko niya. Rainbow colors.

FLASHBACK

 

"Babe?" Sobrang nag-aalangang tawag sa kanya ni Chenoa. 

Humarap siya sakin. "Yes?"   

 

 

Hindi judgemental si Chenoa. Pero sa mga oras na iyon, maraming mga hindi kanais-nais na salita ang naisip niya ng humarap sa kanya ang lalaki.

"Miss, may kailangan ka?" Tanong ni Kuya sa kanya tapos ay ngumiti. 

 

Napasimangot si Chenoa sa nasilayan. Hindi siya sigurado kung kweba ba ito o bibig. Basta ang sigurado siya, madilim sa loob at hindi kanais-nais ang simoy ng hangin sa loob noon.

"Ah-eh." Nautal niyang sabi. Sa isip niya, gusto na niyang magback-out sa pinasok niya. Iniisip na din niya kung papaano uupakan ang mga kasama niya nag-utos sa kanyang gawin niya ito.

 

Aalis na sana siya ng bigla nalang may lumapit sa kanilang dalawa, "O, pre. Syota mo?" Tanong nung kararating lamang na lalaki. Kamukhang-kamuha lamang ito ng kausap ni Chen. Get-up pati na rin ang itsura, magkamukha lang sila. Hindi tiyak ni Chenoa kung kambal sila o lahat ng jejemon, magkakamukha talaga.

Hinanap ni Chenoa ang mga kaibigan niya dahil natataranta na siya. Hindi naman siya nahirapan dahil nasa sulok lamang ang mga iyon at walang tigil sa pagtawa.

Athena: The Goddess of ViolenceDär berättelser lever. Upptäck nu