Chapter Forty One - Truth Hurts

22.6K 507 143
                                    

Cynthia’s POV

Pumayat siya.

Yan ang mga salitang unang naisip ko nang makita ko siya. Oo, nakita ko siya dito sa New Jersey. The very man I never want to see.

“Kuya!” Masayang sigaw ni Thea mula sa tabi ko, dali-dali siyang nagtatakbo at yumakap sa kuya niya.

Superman..

Sa mga oras na ito, nakakatawa nalang isipin yun. Na umabot na yung relasyon namin sa kakornihang may pa-super-superman pang nalalaman. Pero mas nakakatawa ding isipin na lahat ng iyon, yung corny na relationship na mayroon kami noon, wala na rin.

Dahan-dahan akong humakbang patalikod. Although hindi ako familiar sa mga pasikot-sikot ng bahay na to, I chose to run. 

Run away from Jiro. 

I was never told na nandito si Jiro, I was shocked and angry at first, pero my parents asked me to wait. Oo, maghintay at manahimik. Kasi mamaya raw, magbabago ang lahat. Kahit hindi ko sila maunawaan, I chose to listen because that is what I always do, I always listen to my parents. Wala naman kasi akong magagawa e. Masusunod at masusunod parin yung gusto nila.

Napaupo ako sa damuhan, mabuti nalang at medyo malamig dito kaysa sa Pilipinas. Malilim na nga yung shade ng puno, malamig pa yung hangin.  Perfect for thinking and relaxing.

***

Napalakas ata masyado ang hangin, sobra kasing lakas ng tunog na gawa ng mga dahon sa puno. Pero wala naman akong nararamdaman na sobrang lamig? Parang tanga lang?

Dahan-dahan akong nagstretch ng kamay, pero nakapikit parin. Bigla nalang ako napamulat ng makarinig ako ng pagbagsak. Kaya naman agad akong napaupo, by instinct.

“F*ck.*” Narinig kong daing ng isang boses.

“Anong ginagawa mo dito?” Kaagad kong tanong. Hindi siya nakasagot agad, hawak-hawak niya pa yung ulo niya. Napasama ata yung bagsak niya. Gustuhin ko mang hawakan siya, I know I shouldn’t. “Anong ginagawa mo ditto sabi?!” 

“Tumutingin lang ng isang napagandang view.” Nakangising sabi niya. How dare he? Paano niya nagagawang ngumiti sa mga nangyayari? “Isang napakaganda at napakasexy na view.”

I glared at him.

It was so obvious na he was watching me from the tree. Nagulat siguro siya nang nagstretch ako bigla ng kamay ko. “Umalis ka.”

All the glee from his face vanished, the moment na sinabi ko yung mga katagang iyon. “O ano? Di ba sabi ko umalis ka?” Every word I utter pierces my heart. Sobrang sakit kaya na paaalisin mo sa tabi mo yung taong mahal mo. But I know na yun yung tama. Hindi ko sasayangin yung pinundar kong effort para kalimutan na siya. Buwan-buwan din yung natapos na ng hindi ko siya kasama e. 

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now