Chapter Four: Cursed Eyes

62.1K 1.2K 33
                                    

Athena's POV

Of all the things na dapat kong makalimutan, bakit ang pagusuot ko pa ng contact lenses? Hindi ko alam kung tatanga-tanga lang ako o ano e. That was the most crucial part of my disguise. Yun yung pinakanagtatago ng identity ko, yun yung nagdi-differentiate between my orginal look and my nerdy look. Tapos yun pa yung makakalimutan ko?

"E bwiset naman kasi e! Fck, die! Hell! Kainis, bakit ngayon pa?!" I screamed. Nauubusan na ako ng mura dahil sa pagkainis ko sa sarili ko. Tapos ayaw pa kong iuwi ni Cynthia. Bakit ko pa kasi naisipang sumabay sakanya at wag magpahatid.

Wala namang tao sa parking lot so wala namang makakarinig saakin.. Or so I thought.

"Oy nerd, di bagay sa babae ang nagmumura." I heard someone tell me. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Cynthia, kasabay nito ang pamumutla ng mukha niya.

Hinarap ko yung nagsalita, "E ano bang paki mo ha? Tsaka sino ka ba-" Naputol ang dapat na sasabihin ko nang marealize kong si Kurt pala yun. I can't believe na ganito pala ako kamalas. Of all people na pwedeng makakita ng pagwawala ko, si Kurt pa talaga?

Umiwas ako ng tingin. But I knew he saw my eyes.

"S-sino ka?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Natangahan ako sa tanong niya, actually. Nagkita na kami kahapon, nagpakilala pa nga ako sa harap ng mga bastos kong kaklase, tapos ganoon yung itatanong niya saakin?

"Athena." Nagtitimpi kong sabi. Ayoko nang magkagulo pa at baka biglang magsilabasan ang mga tao na nasa loob na ng school. Based on my observations, sinasamba ng mga tao dito tong lalaking to e.

Napapikit nalang ako sa inis, tapos tinawag ko na si Cynthia. "Tara na, Cyn. Pasok na tayo."

Mukha siyang nagulat pero nakarecover naman siya kaagad sa state of shock niya, kaya sumunod siya saakin. Pero bago pa kami makalayo, naramdaman kong may humila sa braso ko at iniharap niya ako sakanya. "You.." Sabi niya.

"You? Ako? Pwede ba, malelate na kami sa class." I said, adding up my nerdy reason. Wala naman talaga akong paki kung malate kami, gusto ko lang makawala sa sitwasyong hinaharap ko. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko, "Let go of me."

Umiling siya, "Where were you nung sunday? Nagmall ka ba nun?"

"What?" Nagtataka kong tanong. Oo, sinagot ko ng tanong ang tanong niya. Why would he ask a random question like that? Akala ko ba, ako yung weird dito? E mas weird pa si Kurt saakin e. Kung anu-ano nalang mga tinatanong. "Ano bang pinagsasabi mo dyan?"

"Nasa mall ka ba nung linggo? Ayan tagalog na para maintindihan mo." Naiinis niyang sabi kasabay ng lalong paghigpit ng kapit niya sa braso ko.

Bakit ba niya tinatanong yon? Why did he changed his mood right after seeing my eyes? My eyes... Sunday? Tinignan ko ng matagal si Kurt.. Then realization slapped me, hard. I think I saw him sa Starbucks nung araw na iyon. Kaya pala pamilyar siya. He was one of those guys na lantarang tinititigan ako.

Yung mga mata ko, I knew they were that crucial sa pagdidisguise ko. Hindi ko lang sila nasuot, naintriga na si Kurt. Kaagad akong yumuko para matakpan ang mga ito.

Umiling ako, "No. I wasn't at the mall last Sunday." Pasalamat siya hindi ko na pinansin yung pangiinsulto niya. 

"Are you sure?" Nagdududa niyang tanong. Hindi ko alam kung ako parin yung pinagdududahan niya o ang sarili na niya e. Di siguro siya makapaniwala na hindi ko na kamukha yung gray-eyed girl na nakita niya sa mall noon. "Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka--"

"I said no! Wala nga ako sa mall nung Sunday! Bakit ba ang kulit mo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa pangungulit niya. Bakit ba gusto niyang malaman yun? Gusto niyang mapatunayan na iisa lang kami nung nakita niya? Kapag ba napatunayan niya yun may mapapala siya? 

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now