Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose

42.7K 716 76
                                    

Third Person's POV

Mabilis ang dalawang buwan na paghihintay ng Vulture's Vengeance para sa kanilang semi-final match kung saan katunggali nila ang gang na tinatawag na "Sublime Superiors". Walang ensayong naganap. Dahil narin sa napagkasunduang RANDOM ang magiging uri ng labanan sa takdang araw.

Dahil narin dito, nagkaroon pa ng maraming oras ang mga participants sa kanya-kanyang mga buhay nila. Maraming nangyari sa loob ng dalawang buwan.

At ngayon na nga ang tinaguriang "Takdang Araw".

Ang dalawang gang ay magkaharap na, subalit wala sila sa Arena. Bagkus sila ay nasa man-made hill na pagmamay-ari ng Ravens na siyang may ari din ng tournament, Ravenous Frolic. Ang hill ay ginawa para sa mga drag racing, man-made pero ubod ng laki maari pang mas malaki sa isang bundok pero ang tawag dito ay Hazardous Hill. H-H. Bilang exclusive ito sa tournament, malaya ang kahit sino na gawin ang gusto niya, at hindi responsibilidad ng Ravens ang ano mang mangyari sakanya.

Kapag sinabing H-H, automatic na iisipin ng mga pamilyar dito ay ang mala-bundok na daungan ng drag racing. Ang daan dito ay nakapaibot paikot sa bundok, mala-zigzag. Marami itong turns, mahalaman, mapuno at mabato. Perfect for drifting, perfect for a race, perfect for the semi-final match between Vulture's Vengeance and Sublime Superiors.

"Okay, so guys, walang training na nangyari pero we'll hope for the best." Sabi ni Chenoa.

Sumagot si Athena, "Silver, sino bang lalaban sa atin diyan?"

Ngayon lang kasi nila nalaman na ganito ang kind ng labanan na haharapin nila. Parte nito ang biglaang pagpili ng mga position at role ng bawat tao sa gang. Hindi lang kasi ito simpleng drag racing.

"I have no idea about this." Dagdag pa ni Vio.

"SUS! Tamad ka lang mag-isip e!" Sabat ni Cynthia sa kaibigan. Inirapan lang siya ni Vio.

"Here it is, ang magddrive si Absurd Antagonist (Krypton), he'll be with Vio sa loob for defense or opposition na rin. Double-Cross (Yuri), ikaw ang signal ng team. Delicate Nasty (Suzy) and Soft Kill (Cynthia), Awakened Grief (Paige), attackers. Choose your weapon bahala kayo, scatter, okay? Make use of the resources na meron dito, trees and busher for example as hideouts. As for me, I'll take care of the other teams's attackers. I'm on defense outside. Klaro?"

"Ayos!" Sigaw ni Krypton.

"Silver Bullet, is there something wrong?" Di mapigilang tanong ni Athena, pansin kasi niyang wala sa sarili si Chenoa habang sinasabi ang plano nila, para bang limitado yung galaw niya at nalilihis yung tanaw niya sa malayo.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon