Chapter Eighteen - Ending It Where It Started

45.5K 990 97
                                    

Third Person's POV

Taping Day 1

Tulad ng inaasahan ng lahat, hindi nagsimula ang pag-gawa nila ng pelikula ng maayos. Hindi ito dahil kay Athena, kundi dahil ito sa kainitan ng ulo ni Kurt na gulat at naiinis sa nadatnang balita matapos mag-absent, na siya ang lead role sa mga lalaki.

Pero dahil nga wala na siyang magagawa, "Psh. Simulan na natin to nang matapos na! P*tangna!"

Kahit siya lang naman ang hinihintay.

Taping Day 2

Kung kahapon, more on introduction of characters ang peg ng bawat eksena, ngayong araw naman magsisimulang magkakilala ang bawat isa.

"Tristan." Pakilala ni Kurt.

"Anna." Naman ang sagot ni Athena.

AWKWARD. 

One word to describe the happenings.

Taping Day 3

At eto ang pinakamalala.

Lilitaw na ang character ni Jed, ang karibal ni Kurt kay Athena. Kung awkward ang mga slight cheesy scenes nila, VERY AWKWARD naman ang nangyayari ngayon.

"Hindi siya nababagay sayo, saakin siya masaya, saakin siya sasaya!" Sigaw ni Jed.

"Hindi mo ba naiintindihan, Tristan?! Wala ka nang ibang dinulot sakanya kundi sama ng loob, lagi mo siyang hinahayaang umiyak! Layuan mo na siya, wag na wag mo na siyang lalapitan!" Tuloy niya sabay tulak kay Kurt.

"Bakit? Sabihin mo nga sakin, Matthew, sino ka ba para sabihin saakin kung anong dapat kong gawin kay Anna? Kaano-ano ka ba niya?" Mapang-asar at sarkastik na tanong naman ni Kurt, na may halong panghahamon sa tono ng pananalita.

Binalikan lang siya ng tingin ni Jed. 

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon