Chapter Thirty - Jedena

33.3K 609 93
                                    

Athena's POV

 

 

"Psssst!"

Tumingin ako sa may pinto, doon kasi nanggagaling yung tunog.

"Psssst!"

Tumayo ako at padabog na binuksn yung pinto, "Katok kasi yung ginagawa sa pinto hindi 'pssst'!" Irita kong sigaw kay Jed na humahalagpak sa katatawa. Nakahawak pa yung kamay niya sa tiyan niya, tapos namamaluktot. "Ang babaw mo!"

"E nakakatawa kaya!" Rason niya. Hindi naman kasi talaga nakakatawa hindi ba? Ano daw ba yon? Nonsense lang tinatawanan niya.

Hinawakan niya baba ko tapos inangat, "Sima-simangot ka diyan? Pumapangit ka lalo!"

"Tigil-tigilan mo ko Notatt wala ako sa mood." Naiinis kong sabi sabay layo sa mukha ko.

"Mood, mood. Wag mo ako i-mood diyan, isang buong linggo ka nang hindi pumapasok at nakakulong diyan sa kwarto mo ah."

"Hala, nagsalita ang may perfect attendance!" Sarkastik kong sagot.

Ngumiti isyang nakakaloko, "Edi idol mo ko?"

"Mukha mo!"

"Gwapo!" Masayang sigaw niya. Minsan, napapaisip ako, na baka talagang wala na sa katinuan si Jed. Na hindi na tuwid yung pag-iisip niya. Dati, nawala siya. Ngayon, nandito siya, para naman siyang baliw  na palaging tumatawa.

Umupo siya sa couch malapit sa kama ko, "Pero seryoso nga, lumabas ka na dyan. Ang panghi mo na e."

"Sobra ka naman! May CR ako oh!" Sigaw ko sabay turo sa may side ng kwarto. "Ayoko nga, wala ako sa mood! Makulit?"

"De, gwapo!" Sinapok ko siya dahil sa sinasabi niya.

"Isa pa, no. Isa pa. Ang yabang mo talaga!" Sarkastik na bulyaw ko.

Nangamot siyang ulo. "Tara kasi, samahan mo ako."

"San?" Nagtataka kong tanong. Dahan-dahang ngumiti yung labi niya. Ha! Hindi ngiting busilak, ngiting walang magandang maidudulot yung kanya. Litsi. Alam na.

"Ayoko." Agad ko nang sabi nang makita yung ngiti niya. Eto talaga yung ngiting kukutuban ka ng masama e, yung pipiliin mo nalang magkulong sa kwarto mo kesa magsuffer sa mga kalokohan at kahihiyang mangyayari. Oo, tama. Pilyo, in short.

Tumayo siya, tapos ay parang babaeng nakapamewang, atayo ka at maliligo o tatayo ka at paliliguan kita?"

Sinamaan ko siya ng ngiti.

Pero walang effect yung mga mata ko sakanya, kasi lalong lumawak yung ngiti niya. Hindi ko nga inaasahang totoo pala yung ngiting abot tenga e.

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now