Kabanata 13

42 0 0
                                    

"Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong ni Mirasol kay Arnel na halata na ang pagkalasing sa kinikilos nito. Nakadalawang punong baso palang ng alak ang binata ngunit malakas na ang tama ng whiskey sa kaniya. "Tama na siguro 'yung nainum mo. Mabibigla ang katawan mo. First time mo d'yan," patungkol ni Mirasol sa unang beses ng pag-inom ni Arnel ng whiskey.

"Kahya ko pah. Burrrp," isang mahabang dighay ang lumabas sa bibig ni Arnel matapos sagutin ang tanong ni Mirasol.

Hindi man tumatagay, nalasahan ni Mirasol ang alak mula sa malakas na amoy ng dighay ni Arnel.

"Nakwento koh na ba shayo? Kung bahkit kami... napuntang tahtlo sa center? Yung... unahng beshes namin sha center?" mabagal at halos paputul-putol na tanong ni Arnel

"Oo, nasabi mo na sa'kin non," mahinang tugon ni Mirasol habang nakaupo siya malapit sa cabinet ng kaniyang mga damit at nakatingin lang kay Arnel habang nagkukwento. "Nung gabing ninakaw n'yo 'yung motor ni Mang Kardo, hindi n'yo alam na nakita n'ya kayo. Kaya nagulat nalang kayo nung kinabukasan eh pinaghuhuli na kayo ng pulis kasama ang MSWD."

"Ah oo ngah palah... na kwento ko shayo yun," natatawang sabi ni Arnel sa malakas na boses.

Napasulyap si Mirasol sa pinto. Bagama't nakasara, hindi niya maiwasang isipin na maaari silang madinig ng kapatid kung sakaling naroon man ito sa kaniyang silid. Ilang beses man niyang pagsabihan ang kausap na hinaan ang boses, hindi naman ito iniintindi ng binata.

Nakaupo, ngunit pagewang-gewang na ang katawan ni Arnel habang nagkukwento. Kasabay nito ang pagkumpas ng kaniyang mga kamay. "Peroh 'di ko nasabi shayo... kung anu ngyari anoh... bago kami nakauwi non anoh?" mabagal, may kalakasan, at paputul-putol na sabi niya. "Yung tungkol dun sha... bahbaeng pinagtripan nila Tonton at Mon.... yung nahpatay nila. Ops!" natatawang tinakpan niya ang kaniyang bibig. Tila ba natawa siya sa pagkukumpisal niya ng wala sa oras.

"Ha?" laking gulat ni Mirasol sa narinig. "Na – naka – patay sila Tonton at Mon?" bakas ang kalituhan sa nalukot niyang mukha.

"Shhh," malakas na usal ni Arnel na para bang natatawa sa pagsuway niya kay Mirasol. "Wahg mong sabihin yan sa ibah ha? Sihkret lahng," muling lumagok si Arnel ng alak mula sa bagong salin niyang alak sa kaniyang baso. "Ahhh," usal niya sabay hagod ng kamay sa kaniyang leeg pababa sa dibdib na para bang gumuguhit ang ininum sa loob ng kaniyang katawan. Nang ilapag niya ang baso sa kaharap na lamesa, nagsimula na siyang magkwento ng isang malagim na lihim na tanging silang tatlong magkakaibigan lang ang nakakaalam.

Alas nwebe ng gabi nang nakawin nina Arnel, Tonton at Mon ang motor ni Mang Kardo. Tahimik at madilim na ang bahay ng kagawad, sa tantiya ng magkakaibigan, tulog na si Mang Kardo na solong naninirahan sa bungalow niyang bahay, kung kaya't sinamantala na nila ang pagkakataong iyon. Bukas ang bakuran ng naturang kagawad ng barangay dahil sa hindi pa tapos na pagpapaayos nito sa bagong tarangkahang bakal. Tahimik na tinulak nina Arnel, Tonton at Mon ang motor palabas ng bakuran. Nang makalayo, mabilis na binuhay ni Tonton ang makina sa paraang hindi batid ni Arnel kung paano nagawa, atsaka ito pinatakbo ni Tonton sakay sina Mon at Arnel.

Makalipas ang mahigit isang oras na byahe, narating ng tatlo ang pakay na lugar. Itinabi ni Tonton ang dalang motor sa tricyle na nakaparada sa tapat ng tirahan ng magkuya niyang barkada. Para silang nasa isang under construction na compound ng magkakaanak na dikit-dikit ang bahay. Sa pagkakataong ngalang iyon, isang bahay palang ang pwedeng okupahan.

Sinalubong sila ng isang may katangkarang payat na lalaki na dilat na dilat ang mga mata. Matapos batiin ni Tonton ng "Happy birthday, Bart!" ang lalaki, niyaya nito ang tatlo na pumasok sa loob ng bahay.

Siksikan ang mga bisita sa maliit na bahay na iyon. Hindi nila magawang maglagay ng kahit maliit na lamesa sa labas at ilang upuan para sa ibang mga nag-iinuman dahil sa pabugsu-bugsong pag-ulan sa araw na iyon.

ManaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon