Mahalagang Impormasyon

55 0 0
                                    

Ayon sa ating Department of Health (DOH), 3.6 milyong Pilipino ang nakaranas ng mental disorders noong taong 2020, kung saan kasagsagan ng pandemic.

Base sa datos ng National Mental Health Program (NMHP), hindi bababa sa isang milyon ang nagkaroon ng depressive disorder, mahigit limang daang libo naman ang may bipolar disorder, at mahigit dalawang daang libo naman ang may schizophrenia. Ngunit pinaniniwalaang mahigit pa sa mga naitala ang totoong bilang ng mga nagkasakit na indibidwal na may kaugnayan sa mental na kalusugan ang hindi naire-report.

Ang pagtaas ng mga kaso ng pagpapakamatay noong taong 2019 hanggang 2020, mula sa bilang ng 2,810 na umabot ng 4,420, ay hindi maikakailang may kaugnayan din sa pandemyang ating kinahaharap. Naiulat ng DOH na dumami ang natanggap nilang tawag sa National Center for Mental Health (NCMH) Hotline na humihingi ng mental health assistance, at ang iba rito ay suicide-related calls.

Napakaraming tao ang naapektuhan ng pandemia. Napakaraming buhay ang sinira ng mapaminsalang sakit. Hindi lang sakit pang pisikal ang naidulot nito sa mga tao, kun'di pati na rin sakit sa pag-iisip. Batid ng lahat kung gaano kahalaga ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Ngunit sana'y, mabigyan rin natin ng kahalagahan ang mental na kalusugan.

Kung nakararanas kayo ng labis na kalungkutan, pagkabalisa, hindi maipaliwanag na pagkagulo ng isipan, o kung nakaiisip kayong saktan ang sarili, 'wag kayong mag-atubiling humingi ng tulong sa mga kaanak, kaibigan, o mga mental health expert tulad ng NCHM. Bukas ang kanilang crisis hotlines upang magbigay ng tulong.

Narito ang mga numerong maaaring tawagan:

NCHM Landline = 1553

Globe & TM subscribers = 0966-3514518 or 0917-8998727

Smart, Sun & Talk N Text subscribers = 0908-6392672

Ang pagpapanatili ng malusog na katawan at isipan ay hindi lamang para sa ikabubuti ng ating sarili. Pagpapahalaga rin ito sa ikabubuti ng ating pamilya at komunidad.

- FilipinoFiction

Reference: https://newsinfo.inquirer.net/1544354/mental-health-in-a-time-of-pandemic-the-invisible-suffering

ManaWhere stories live. Discover now