Kabanata 24

31 0 0
                                    

Vape. Tulad ng puting usok mula sa motor ni James, ganito rin ang kulay na ibinubuga ng usok ng vape.

Plano ni Mirasol na dumaan ng SM sa pag-uwi ng gabing iyon upang bilhin ang ipinag-uutos ni Tonton. Labag man sa kaniyang kalooban, hindi niya magawang tumanggi dahil sa bantang maglalagay sa kaniya at kaniyang kapatid sa peligro. Ngunit dahil sa paghatid sa kaniya ni James, hindi naging posible ang planong iyon. Wala na siyang ibang magagawa kun'di ang bumili nalang kinabukasan.

Dismayadong pumasok si Mirasol sa loob ng bahay. Hindi niya gaanong maintindihan ang sarili kung dala ba iyon ng pagkainis niya dahil sa nasirang plano, o dahil sa pagsunod niya sa mga utos ni Tonton na hindi niya kayang tanggihan.

Pagkahubad ng sapatos – na hinayaan nalang niyang nakakalat sa gilid ng pinto, kinabig niya pasara ang pintuan at dumiretso sa kusina. Pagkapatong ng kaniyang bag sa lamesa, biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niyang kinuha ito at sinilip ang text message na dumating. Lalong kumunot ang kaniyang noo nang makitang galing lamang ang mensahe mula sa kaniyang service provider na nagdedetalye ng bagong promo sa pagtawag at pagtext.

"Yung cellphone?" biglang tanong ni Mirasol nang mapansing wala na sa bag ang telepono ng kaniyang ama. Hindi na rin niya nakita ang bagong sim at load card nang halukayin niya ang ilalim ng bag. "Kung wala na dito, ibig sabihin, nailagay ko na sa may itaas ng cabinet ang mga 'yon? Pero bakit 'di ko maalala?" pinitik-pitik niya ang kaniyang sentido na animo'y maibabalik noon ang kaniyang alaala. "Hindi kaya nalaglag 'yon habang nakaangkas ako kay James?" tanong niyang muli. "Pero imposible. Secure naman yung bag ko kanina na nakaipit sa pagitan namin ni James. Ahhh!" irritable niyang sabi. "Nakakainis! Dapat kasi nilagay ko na 'yung sim sa phone para pwede kong matawagan at macheck kung hawak na nga n'ya. Pero... kahit pala ipasok ko ang sim, hindi ko naman kabisado yung number na 'yon. Ahhh!" gigil niyang sabi bago sinampal sampal ang sarili.

Tama na! Ba't ginagawa mo 'yan? Sabi ng kaniyang kunsensya. Bigla siyang natigilan sa kaniyang kahibangan. "Tama. Hindi ko dapat sinasaktan ang sarili ko..." bulong niya nang mahimasmasan habang ramdam ang pag-init ng kaniyang pisngi mula sa sariling sampal. Napaupo siya sa silya, at idinukdok sa lamesa ang mukha niyang bakas ang kabiguan. "Pero pa'no kung nawala ko nga 'yung cellphone? Anung gagawin ko? Baka bukas, ipagsabi na ni Tonton kila Ma'am Daisy ang tungkol sa'min ni Arnel, tapos baka magsumbong na s'ya sa pulis?" nag-aalala siyang nag-isip habang ang mga dilat na mata'y halos nakadikit na sa ibabaw ng lamesang kahoy. "Si Tom!" bigla niyang inangat ang mukha sa naisip na idea. "Kailangan kong makausap si Tom."

ManaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon