01

76 12 6
                                    

FORTUITOUS

***

"Ano plano mo sa weekend, Ruth?" tanong sa 'kin ni Aubrey habang kumakain kami ng lunch sa kiosk.

"Wala, mag-unwind siguro." Pagkibit-balikat ko. Kaka-break ko lang kasi. Pero sa totoo lang hindi naman ako attached sa lalaking 'yon, sadyang nakakastress lang 'yong ginawa niyang pag manipulate sa 'kin before kami nagbreak.

Ako namang si uto-uto, naniwala agad. Nakonsensya pa ako pero 'yong totoo pala, binaliktad niya lang ang istorya.

"Makakalimutan mo rin 'yong nangyari. Healing takes time." Tinapik niya ang braso ko at muling kumain. Matipid ko na lang siyang ningitian at nagpatuloy.

Aubrey was my friend since we were grade 9. Alam niya lahat nang katangahan ko sa pag-ibig. Ang aga ko kasing pumasok sa mga gano'n kaya siguro nasasaktan ako. Pero hindi niyo naman ako masisi, nagmahal lang ako, eh. 'Tsaka hindi sa edad nakabase ang pagmamahal.

"Tuloy tayo sa Saturday?" muli siyang nagsalita, tinanguan ko lang siya habang hindi tumitingin sa kaniya.

After naming kumain ay bumalik na agad kami sa room. Nahagip ang atensyon ko sa mga magbarkada na nasa gilid ng senior high building na nag-uusap at medyo tumatawa. Pero isa lang ang nakatawag ng pansin sa 'kin sa grupo nila, 'yong isang moreno na matangkad na nakasandal sa pader ng building, nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay niya pero hindi ito tuluyang pinasok. He was just wearing a plain white t-shirt and a slacks but he looks neat.

Naka two blocks haircut ang buhok niya at kulay dark brown ito na medyo wavy. He got a 'lucky phoenix eyes' shape which made him more attractive, for me. Nagbaba ako ng tingin sa ID lace niya na may nakasulat na Senior High, matanda na. Napailing na lang ako.

Hindi ko alam kung grade 12 ba siya or grade 11 pa. Wala rin akong planong alamin at wala akong pake sa kaniya. Nakuha lang ang atensyon ko dahil sa tangkad niya pero wala pa rin akong pake lalo na't marami siyang babae na nakapalibot sa kaniya. Isang tingin pa lang, halatang-halata na playboy. Tss!

"Daanin mo na lang ako sa Saturday para payagan ako ni papa," aniko habang inaayos ang bag ko. It's already 4pm and I need to go to the faculty, hihintayin ko na naman si mama na matapos sa ginagawa niya para sabay kaming umuwi.

Yes, anak ako ng isang teacher at lagi na lang natatagalan sa pag-uwi, nakakabagot nga, eh. P'wede namang umuna na ako pero ayaw niyang hindi kami magkasabay umuwi ngayon. Ngayon lang kasi free si papa at lagi niya kaming sinusundo kaya kailangang sabay kami nila mama at ng kapatid ko.

Pagkatapos ni mama ibigay sa 'kin ang snacks namin ng nakababata kong kapatid ay lumabas na kami sa faculty at naghintay sa harap ng building. Napasandal ako sa concrete handrail habang nagtitipa ng chat kay Aubrey. Hinayaan ko lang si Ynez na kumain sa tabi ko at tinuon ang atensyon sa cellphone.

Natigil lang ako sa ginagawa at lumingon sa likod nang marinig ang tawanan ng mga estudyante. Kay liit nga ng campus at sila na naman. 'Yong morenong matangkad, kasama ang grupo niya at nag-aasaran. Ngayon ko lang napansin na pogi pala talaga siya lalo na't ngumingiti.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko no'ng tumingin siya sa gawi namin ng kapatid ko. Agad akong tumingin sa likod niya at kunwaring may hinahanap, kasunod naman sa ibang direksyon. Pero no'ng tumingin ulit ako sa kaniya ay nakatingin pa rin siya sa 'kin at matipid na ngumiti. Tangina, pinansin niya ako!

Pasimple akong umiwas ng tingin at nagkunwaring hindi ko 'yon nakita. Napakagat ako sa ibabang labi at tinignan si Ynez na kumakain ng cheesecake. Marahan kong hinaplos ang buhok niya dahilan para mapatingin siya sa 'kin. Tinuon ko na lang sa kaniya ang atensyon ko at pilit na tinanggal sa isipan ang nangyari.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now