19

29 8 0
                                    

THAT'S HOW LOVE IS

***

"Hi, ate!"

"Ano po 'to, ate? Laruan?"

"Hindi, uy! Keychain 'yan."

Nag-uunahan na agad ang mga bata palapit sa 'kin, nagmano pa 'yong iba habang ang iba naman ay nakikitingin sa keychain na linagay ko sa sling bag ko.

Nakita ko kung paano napangiti si Dominic nang makita niya ang keychain na tinitignan ng mga bata. Kinuha niya naman sa bulsa niya ang susi ng motor niya at pinakita sa 'kin, nando'n ang kapares ng keychain ko!

No'ng una, kinakabahan ako pero sa patagal at patagal ay nasanay naman na ako sa kanila. Medyo dugyot sila at makulit pero kagaya ng sinabi ni Dominic, mababait at nakakaaliw nga sila.

"Thank you, Ruth at Dominic. Sa susunod ulit!" Kumaway sa 'min 'yong leader ng area na ito at sumakay na sa tricycle na service nila. "Ingat kayo!" Kumaway ulit siya bago umandar ang sinasakyan niya.

"Bye-bye!" Pahabol no'ng isa pa naming kasama na nagdrive sa tricycle.

Apat lang kami sa area na 'to, dalawang lalaki at dalawang babae. Naha-handle naman ng maayos kasi 20-plus lang 'yong mga bata rito.

"Nag-enjoy ka?" tanong ni Dominic sa kalmadong boses,

"Oo, ang saya nila kasama." Malapad ang ngiti ko nang tignan siya at tumango ng dalawang beses. "Kaso.. nagugutom na talaga ako."

Hindi na niya napigilan ang tawa niya nang tumunog ang tiyan ko.

"A-Aray!" natatawa niyang reklamo nang hampasin ko siya sa balikat. "Tara, malapit na rito 'yong bahay namin. I'll cook for you."

He gestured me to follow him as he set-up his motorcycle.

"Ayos lang ba?"

"Oo naman. 'Tsaka walang tao sa bahay Monday to Saturday, I can't leave my younger siblings for too long." Ngumiti siya sa 'kin na hindi pinapakita ang ngipin niya.

As he said, their house was just nearby. Hindi yata umabot ng ilang minuto 'yong byahe namin. I waited for him as he parked his motorcycle inside their garage. Pagkatapos ay pumasok na kami sa bahay. First time ko itong makapunta rito ng may araw at walang ibang kasama. Nakabukas ang lahat ng kurtina sa may sala nila ngayon kaya napansin ko agad ang mini garden sa labas. Kitang-kita ito dahil sa glass wall.

"'Di nakauwi ang mama niyo?" tanong ni Dominic sa batang lalaki na nasa carpet. Tumingin naman ito sa kaniya at umiling. "Si Arcel, nasaan?"

"Nasa taas, tulog kasama si Raia."

"Make your self at home." Giniya niya ako sa sofa at agad namang nagsi-lapitan sa 'kin ang mga pusa. Rinig ko ang mahinang tawa ni Dominic nang makita ang mga pusa.

"Mapupuno ka po ng balahibo niyan." Tumingin sa 'kin 'yong batang lalaki na si Nate yata. Walang emosyon ang mga mata niya at parang wala ring gana ang tono niya. Ganito ba talaga siya o hindi niya lang ako nagustuhan?

"Ayos lang, they're cute naman, eh." I caressed the kitten's fur. Tatlo sila ngayon, nasa magkabilang gilid ko ang dalawa at isa naman ay umupo sa hita ko.

"Mahilig ka rin po pala sa mga pusa?"

Tumingin ako sa kaniya at tumango habang malapad ang ngiti.

"Nate, she's ate Ruth. Hazel Ruth," ani Dominic na ngayo'y nasa kusina na. Bakas sa mukha ni Nate ang kaunting gulat nang marinig ang sinabi ni Dominic.

"Ikaw po pala 'yon. Gusto mo po ba ng maiinom?" Agad siyang tumayo at naglakad papunta sa kusina. The cow just happened? Bigla yata siyang bumait.

Hinagod-hagod ko na lang ang likod ng pusa na nasa hita ko habang linilibot ang tingin sa bahay nila. Ngayon ko lang ito napagmasdan ng ganito. Ngayon ko lang din napansin ang mga furniture at frame na nakapagpaganda rito.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now