02

58 9 5
                                    

WHAT A GOOD 'MORNING'

***

"Wow, nakasolo mo yata 'yong poging kaibigan ni kuya Art." Siniko ako ni Aubrey. Kanina pa sila ni Kreska na nakaupo lang doon sa duyan na hindi masyadong malayo sa 'min. Hindi talaga sila nagtangkang lumapit man lang para samahan ako rito kanina. Ngayon pa sila tumabi sa 'kin no'ng umalis na 'yong Dominic.

"Tigilan mo nga ako, Bri."

"Hoy, pogi naman. 'Tsaka academic achiever 'yon, soccer player pa." Nakangiting tumabi sa 'kin si Kreska 'tsaka tinuro gamit ang nguso niya si Dominic na nando'n na ngayon sa ground kasama ang mga kaibigan.

Tumingin ako ro'n at nakita ang pagtawa niya. He's so perfect, kahit na hindi niya sinasadya ay pogi talaga siya. Effortless ang pagka-pogi niya.

"Oh, kita? Stunned ka sa kaniya--"

"Tumigil ka, Aubrey!" mahina kong sigaw at kinurot siya sa tagiliran.

"Single ba 'yang si kuya Dominic, Naij?" tanong ni Kreska nang lumapit sa 'min si Naij na may dalang dalawang baso ng buko juice. Nalipat naman agad ang tingin niya sa 'kin at namuo ang ngiti sa mga labi.

"Si Kreska 'yong nagtatanong, promise!" Pagtaas ko ng kanang kamay na ikinangiti niya nang mapang-asar na ngiti.

"Oo, single 'yan. Wala ring nagugustohang babae sa ngayon. More than four months na silang break ni ate Millie."

"Ate Millie? 'Yong magandang babae sa STEM-B? Naku, walang-wala ako kompara ro'n!" Natigilan silang tatlo at sabay na tumingin sa 'kin. Pansin ko rin na napatingin sina kuya Art at Dominic sa gawi namin na ikinahiya ko. Takte! Ba't ko nasabi 'yon?!

"Ba't conscious ka na sa self mo? Crush mo na agad?" Sinilip ni Aubrey ang mukha ko. Natatawa namang umupo si Naij sa tabi ko at binigay sa 'kin ang isang baso.

"Ayos lang 'yan, Ruth. Maganda ka naman, eh! Maputi, sakto ang heigh at katawan mo. Maraming nagkakagusto sa 'yo at hindi imposibleng magkagusto sa 'yo si kuya Dominic," bulong ni Kreska sa 'kin at tinapik ang balikat ko.

"Hinaan mo nga-- teka, Naij saan 'yong amin?" Hindi natapos ni Aubrey ang pagsita kay Kreska nang mapansin niyang wala silang buko juice.

"Kumuha kayo ng inyo, malaki na kayo." Mapang-asar ko silang tinignan at inirapan naman nila ako pareho.

"Sige na, tawagin ko na sila para makakuha na tayo ng meryenda." Si Naij.

"Teka, lalapit ulit sila rito? Teka lang!" Taranta akong tumuwid ng upo at pasimpleng inayos ang bangs ko. Ma-issue na tumingin sa 'kin si Kreska at ngumiti ng mapang-asar.

"Mukhang bumibitaw na," bulong pa ni Aubrey,

Inirapan ko na lang sila at sinenyasan si Naij na okay na. Natawa rin siya bago tinawag ang kuya niya.

Hindi na tuluyang nakalapit si Naij nina Dominic at kuya Art ay agad na silang lumapit sa pwesto namin. Tahimik na umupo si Dominic sa mataas na sementong upuan na nasa tapat namin.

"Teka, maghuhugas lang ako ng kamay, madumi kasi 'yong tali ng duyan." Tumayo si Aubrey at iniwan ako, agad din namang tumayo si Kreska at sumunod sa kaniya. I pouted as I followed them a glance.

Hindi pa nakabalik si Naij at iniwan pa ako ng dalawa. Ang awkward maiwan dito kasama ang mga lalaki kahit na 0.001 second.

"Ayos lang 'yan, nandito naman si Dominic. 'Di ba Dominic?" Pagtapik ni kuya Art ng balikat ni Dominic 'tsaka umupo sa tabi nito.

Matipid lang na ngumiti si Dominic habang may tinatanggal na sticker sa upuan.

"Oy, 'wag mo kunin. Tinakip 'yan sa butas."

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now