23

21 9 0
                                    

FOOD PARK

***

"Ruth, wait!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Naij. Siya lang at si Dale ang kaklase ko dahil HUMSS ang kinuha nila Kreska at Aubrey, nag ABM naman sina Jairus at Clarence. Buti na lang at nag STEM si Naij at may kasama pa ako.

I spent my days with friends and Rita alone after school. Ang mga oras na dapat ay kausap ko si Dominic ay binigay ko na lang sa pag-aalaga sa pusa. Rita is getting bigger which made me realize that it's been so long since he was given to me.

I am still living with my family but everything has changed. My father was in jail for months and when he went out, he never came home. He just left us his savings and didn't say anything. Ang daming nawala sa buhay ko sa summer na 'yon.

"Teka lang talaga, nagchat kasi si Jairus. Magpapahintay siya." Bumalik ako sa katotohanan nang tumigil sa harap ko si Naij.

"Aba naman, gagawin niyo akong third-wheel?" Napamewang ako at humarap sa kaniya.

"Anong third-wheel? Double date 'to. Nandiyan si Dale, oh!" Turo niya kay Dale na nakasandal sa gilid ng gate. Sinulyapan ko ito at agad na bumaling kay Naij.

"Isama mo na lang din si Clarence, nahihiya ka pa." Iniwan ko na sila pareho at doon na naghintay sa labas.

We are now going to have our semi-final exam, malapit na rin pala matapos ang school year. But I was still stuck on that summer when I regretted my actions.

"Ano gusto mong inumin, Ruth?" Dale stood up.

"Tubig na lang, ayos na ako." Hinawakan ko ang aqua flask ko at inangat ito ng bahagya.

Talking about aqua flask, ginagamit pa kaya ni Dominic 'yong binigay ko sa kaniya? Nasaan na kaya siya ngayon? Ang sabi kasi ni Naij ay iisa raw sila Dominic at kuya Art ng apartment no'ng first semester, pero lumipat na raw after sa semestrial break. Saan naman kaya siya?

"Naij, kung lumipat ng apartment si Dominic, hindi naman siguro siya lumipat ng university hindi ba?" Kapag kami lang dalawa ni Naij ay sunod-sunod ang tanong ko sa kaniya.

"Ewan ko, hindi naman siya ang pinag-uusapan namin ni kuya lagi. 'Tsaka iba naman sila ng napasukan na university." Nagkibit-balikat lang siya.

"Eh, ano raw kinuha niyang course?"

Tumigil si Naij sa paglalakad at seryoso akong tinignan.

"Tanungin mo siya, Ruth."

"Naij naman, eh!" Hindi na niya ako pinansin at iniwan na lang ako sa daan.

Despite everything that happened in the summer, I'm still grateful that my friends stayed with me. Kahit na alam nila ang lahat nang nangyari sa pamilya namin at ginawa ni papa, nandiyan pa rin sila sa tabi ko.

They were not my friends since a kid but they were the ones who stayed.

I stayed single and never tried to entertain someone until I finished Senior High School. It is not because I'm afraid to repeat the same thing but because I still can't move forward. Totoo nga 'yong sinasabi nila na kung sino 'yong nakipag-tigil, sila 'yong nahihirapang kumalimot.

'Yon ang pinagsisihan ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. I'm still hoping that he'll come back and give me a chance to talk with him. I'm still hoping that someday our paths will cross again and he's ready to accept my apology.

"Ano, Ruth, ayos ba 'to para sa 'yo?" Nabalik ako sa katotohanan nang tanungin ako ni kuya. "Malawak ba masyado ang k'warto? Ayaw mo nang masyadong spacious 'di ba?"

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now