15

26 8 0
                                    

SHE'S HERE

***

Biglang nawala ang gana ko nang marinig ang sagot ni Naij. Walang kwentang kaibigan.

"Anong mukha 'yan!" Sabay-sabay silang tumawa nang mapansin ang biglaang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ko.

"Joke lang, oy! Ba't naman 'yon pupunta?" tumatawang tanong ni Naij,

"Kasi friends sila?" patanong ni Kreska, agad naman siyang siniko ni Aubrey at nagkatinginan sila. "Joke lang, hindi sila friend no'n."

Alam ko namang ayos lang silang dalawa, eh. Kaya kung pupunta si ate Millie, hindi na lang ako pupunta. Alam kong close pa rin sila in person lalo na't may okasyon, ayaw kong masaksihan 'yon!

"Alam mo ba kung ano 'yong favorite color niya?" Nakataas-kilay na lumingon sa 'kin si Kreska.

"Hm.. hindi, eh. Pero 'di ba mahilig naman sa Black 'yong mga lalaki-"

"What if pink 'yong favorite color niya?" Namilog ang mga mata ni Naij.

"Ang kadiri mo!" Mahina ko siyang hinampas sa balikat. I can't imagine him liking the color pink! I mean, cute naman ang pink 'tsaka aesthetic, maganda sa mata. Pero it's weird for Dominic to love that color. Kung ako siguro magkagusto sa color pink, ang cute, pero siya? 'Wag na!

We went from one to another store to find the perfect gift for him. Kailangan ko nang makabili ngayon para mahanda ko pa. I struggled more with buying a gift for him than buying a gift for my brother.

"Look! I think I found it!" Masaya ko silang sinenyasan para lumapit sa 'kin. "Ayos 'to, 'di ba? Ang ganda!" Tinuro ko sa kanila ang cord bracelet na may gold tag. Nakadisplay ito sa loob ng glass kaya hindi ko mahawakan.

"Hay nako, Ruth. Ang dami na nating nakitang ganiyan kanina, ba't 'di mo na lang 'yon binili?" Napamewang si Aubrey sa tabi ko habang tinitignan ang bracelet.

"Eh, iba 'to."

"Ah, p'wede 'tong kulitan ng name or any word you want, miss." Nakangiti itong kinuha ng naka-bantay at linapag para makita namin.

"See? Iba 'to. Ah, ate p'wede ko i-write 'yong ipapalagay kong name?"

"Sure." Naglagay siya ng scratched paper at ballpen para ro'n ko isulat.

"P'wede mo rin siyang bilhan ng cute keychain." Lumapit sa 'kin si Naij na may dalang isang set ng keychain. "Look, ang cute ni Anya."

"Hindi naman ako nanonood niyan." 'Di ko siya pinansin at sinulat na lang ang name ni Dominic sa papel.

"Eh, si Dominic nanonood." Napatigil ako at tumingin sa kaniya.

"Kaya bilhin mo na, beh." Sumilip si Kreska at sinenyasan akong kunin na. Naka-kunot ang noo ko nang kunin ito at tinignan. Tatlong keychain ito, isang blonde haired na lalaki, isang babae na black ang buhok, at 'yong isa ay pink ang buhok.

"Eh, ba't tatlo? May third party?" Sabay silang natawa dahil sa tanong ko.

"Tanga, anak nila si Anya." Turo ni Aubrey sa babaeng kulay pink ang buhok. Tama, mukhang bata pa nga ito. Tumango na lang ako at humarap sa sales lady.

"P'wede po bang ang dalawa lang ang bilhin ko nito?" tanong ko sa kaniya,

"Nako, gustong may couple keychain," bulong pa ni Kreska,

"Hm.. hindi, eh. Isang set talaga 'yan. I-keep mo na lang si Anya." Nakangiting tumingin sa 'kin si ate.

No choice, binili ko na lang talaga iyon kasama ang bracelet na may name niya. Pagdating ko sa bahay ay nagdesign pa ako ng birthday card niya na isasama ko sa gift.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now