Prologue

94 12 1
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng building habang inaayos ang buhok ko. Nakita ko agad ang SUV ng family ni Aubrey sa hindi kalayuan kaya dumiretso na ako roon at binuksan ang passenger seat.

Tinakas niya na naman ito.

"Sorry, Brey. I'm late--"

"As it is." Napairap si Aubrey at pinaandar ang makina ng sasakyan niya.

"May tinapos kasi ako. Para naman hindi na ako gigising ng maaga bukas. We can hang out 'til midnight." I winked at her which made her laugh softly.

"E'di wow ka talaga, Ruth!" Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa food park na malapit lang dito sa apartment ko.

"Ano plano mo ngayon?" Sumulyap saglit si Aubrey sa 'kin.

"Hindi magpapasobra, 'yon!" I am still maintaining my sugar level. Hindi naman na gano'n kahigpit ang pagbawal ng Doktor ko, but I should live a healthy life to avoid risks.

"Ilang bote lang iinumin mo?"

"Tsk, Aubrey! Hindi ako iinom. Food trip lang." Inirapan ko siya at tinawanan niya lang 'yon.

Ilang minuto lang ang lumipas at pumarada na kami sa parking na nasa tapat ng food park. Unang lumabas si Aubrey at umikot papunta sa side ko.

"Labas ka na!" Hinampas niya ang bubong at umuna na sa may highway.

Hanggang ngayon, ang harsh niya pa rin talaga sa 'kin, nakaka-ouch. Agad akong lumabas at sumunod sa kaniya, para akong bata kung hawakan niya sa kamay bago kami tumawid.

"Woo, sino 'yon?" Papasok pa lang kami sa food park ay nakita ko agad ang tinuro ni Aubrey na lalaki.

Naka-beige polo siya at may gold dog tag na necklace. Nanuyo ang lalamunan ko nang makilala kung sino siya.

"Dominic..?"

He hasn't changed. Though he looked more mature and handsome, I could tell he was still the old Dominic I knew. I hope so. Ilang taon lang naman ang lumipas.

"Os'ya, mamaya na 'yan. Maghanap muna tayo ng mauupuan, ms. Summer lover!"

I was stunned when Dominic changed his gaze to us-- directly to my eyes. He looked shocked and out of words when he saw me. I can't identify what feelings he has right now.. nervous, happy, or else.

All I know is.. his eyes and how he looks at me give the same excitement to me. Kung paano ako sumaya sa tuwing nagtatama ang mga mata namin noon, gano'n din ang nararamdaman ko ngayon.

"Rito na, Ruth."

Kitang-kita ko kung paano siya napalunok nang mapansin si Aubrey at agad na umayos ng upo, binalik niya ang atensyon niya sa mga barkada.

Kumusta na kaya siya? Nag-aaral pa kaya siya ngayon? Kung oo, e'di third year college na siya. Pero kung hindi na, ano kaya ang trabaho niya?

"Oh, goodness, Dominic!" Mahinhin na tumawa ang babaeng katabi niya. "You're not even listening."

"Sorry." Finally! I heard his voice again. For whole 3 years, I finally had the chance to hear his voice again.

We passed by their table and Aubrey brought me to the other stall near them.

"Aubrey, kulit mo!" Kinurot ko ng pasekreto si Aubrey dahilan para mapaigtad siya.

"Ano ba? Ibang stall naman tayo sa kanila. Malapit nga lang ang tables." Ngumiwi siya sa 'kin at pinaupo na ako. "Ako na pipili para sa 'yo? Okay!"

Hinayaan ko na siya at nagpahalumbaba na lang muna sa 'mesa. Rinig na rinig ko ang tawanan sa kabilang table. Pero isa lang ang hinihintay kong marinig ulit, ang boses niya.

"You look bothered, Dominic."

But instead of his voice, I heard that clingy flirty girl's voice talking to him again. Kaloka, ang landi naman ng boses! 'Di na ba 'yan p'wedeng ma-adjust?

If that's her girlfriend, insultong-insulto para sa 'kin. He is not that kind of man dating a girl like that, even before. Pero ngayon, 'yan ang pinalit niya sa 'kin? Dzuh! Hindi bagay ang boses niya para tumawag sa pangalan ni Dominic, pumapangit pakinggan!

"Sure kang okay ka lang?"

Padabog akong tumayo at sinulyapan sila. Agad siyang napa-angat ng tingin sa 'kin. I hate how he looked at me like that, as if he cared for me.. or concerned of me.. damn eyes! Marahan akong umirap at lumapit kay Aubrey.

"Restroom muna ako." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at umalis na. Lumagpas ako sa table nila na hindi tinatanggal ang tingin sa daan. I couldn't avoid from gritting my teeth of annoyance.

"Oy, saan ka?"

"Restroom lang."

I ignored what I heard and continued walking towards the restroom. Isa lang ang pinto sa labas at pagkapasok ko ay naroon pa ang dalawang pinto para sa gender separation. Dumiretso ako sa female restroom at humarap sa salamin. I could tell that I was prettier than that leech beside him. Damn.

I couldn't wash my face 'cause of my eye contact, so I washed my hands, instead. Ulit-ulit kong hinugasan ang kamay ko at doon pinalabas ang galit at inis ko.

It's been years since that incident happened but the guilt remains. It planted a deep wound in my heart. I'm guilty yet jealous this time. Especially when I saw him having a great time with friends and with.. his new girl, I regretted so many things.

Namumula na ang kamay ko nang tignan ko ito kaya pinatay ko na ang gripo at inayos ang buhok ko. That leech has curly hair and thick eyelashes while me.. wait! I must not be insecure. I'm much prettier than her with or without makeup! I slightly slapped my face and looked into my reflection.

Seconds after, I glared and took my phone from the countertop. Bumuga ako ng hangin bago lumabas sa female restroom. Pagkalabas at paglabas ko ay agad nakuha ang tingin ko sa lalaking nakasandal sa dingding. Nang mapansin ako ay bahagya siyang lumingon sa 'kin habang nakasandal pa rin ang ulo sa dingding.

He faked a cough and stood straight. Aalis na sana ako pero marahan niyang hinarangan ang daan sa pamamagitan ng pagsandal ng kamay niya sa kabilang dingding. He was still as gentle as Dominic is. Nagbaba ako ng tingin sa dog tag necklace na suot niya, may dalawang letrang nakaukit dito, "H.R.".

"Hazel Ruth."

Napalunok ako ng dalawang beses nang marinig ang baritonong boses niya na tumawag sa pangalan ko. Mariin ko siyang inirapan at tinignan para sana takutin pero mas lalo siyang tumitig sa 'kin na nagpailang sa 'kin.

My heart skipped a beat which made me feel two feelings at the same time, joy and pain. I maintain my bad bitch face to hide my sadness. Once again, I glared at him.

"Tabi--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. Hindi pa ako nakapanlaban ay yinakap na niya ako. "Ano ba, Dominic--"

"I missed you, Ruth." His voice was full of sincerity which made me fall into tears. "I damn missed you, my love."

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now