11

31 8 0
                                    

MODERN BELLE WITHOUT A BEAST

***

The following days were super heavy for me. But instead of letting myself drain, I focused on my studies since our first periodical exam was coming.

"Ruth." Bumaling ako sa boses an tumawag sa 'kin. "Papunta ka sa faculty?"

"Uh, oo, Dale. Sabay kami ni mama sa pag-uwi." Tumango ako sa kaniya at bahagyang humarap.

"Here, I heard you didn't eat lunch kasi nag-aaral ka. 'Wag mo na 'yon gawin ulit, ha? Baka mapano ka pa." Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at natatawang umalis. Timang talaga.

Napangiti na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kiosk na malapit a faculty. Hindi ko alam kung susunduin kami ngayon ni papa, pero ang sabi ni mama ay sabay na kaming umuwi.

Umupo ako sa loob ng kiosk at doon dahan-dahang kinain ang binigay ni Dale. Hindi nagtagal ay nakita ko si Dominic na naglalakad papunta sa faculty at sumandal doon sa railings, sa nakasanayan niya.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at may tinignan doon. Agad kong kinnuha ang cellphone ko sa bulsa at kinunan siya ng picture 'tsaka ito sinend sa kaniya sa Instagram. Hindi umabot ng minuto ay lumingon siya sa gawi ko na nakangiti.

"Hi!" Mahina kong kaway sa kaniya. Nakangiti naman siyang naglalakad papunta sa 'kin at umupo sa kabilang upuan ng kiosk. "Wala kayong training ngayon?"

Umiling siya. "Wala tayong training."

Mahina ko siyang hinampas at napatawa. "'Di, seryoso. Wala kayong training?"

"Wala, malayo pa ang upcoming competition kaya resting phase muna kami." Napatango-tango ako sa sagot niya.

"Kaya pala nandito ka na ulit."

"Bakit? Inaabangan mo ba ako rito lagi?" Nakakunot-noo niya akong liningon.

"Hindi, ah! Napapansin ko lang na wala ka rito noon." Ngumuso ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Ang totoo niyan, pinapansin ko talaga kung nasaan siya tuwing hapon. Kung nasa field ba  o nandito sa harap ng faculty.

"Nga pala, this Sunday. I'll go to church. How about you?" pag-iiba niyang tanong at linipat ang tingin sa cellphone.

"P'wede akong sumama?" parang bata kong tanong sa kaniya, tumango naman siya at nag-angat ng tingin sa 'kin.

"I'd like to go with you to your church, honestly. Wala kasi akong alam na church na puntahan sa ngayon since lumipat sa ibang lugar 'yong church na pinupuntahan namin noon."

"Bakit? Ano pala ang religion mo?" Nagtataka ko lang siyang tinignan.

"I don't have one." Umiling siya. "Let's say... I'm a born-again Christian."

"Totoo? Then we're the same!" Agad namuo ang ngiti sa labi ko. "The only difference is, I'm a non-active one."

"Pareho lang tayo. That's why I'm now reviving my soul, and I'd like to invite you, para sabay tayong bumalik sa presensya ng Diyos."

I can't help but smile when I hear what he said. Napagplanuhan kong sumama nga sa kaniya. Tama, hindi ko na siguro dapat idepende ang sarili ko sa pamilya ko. Kung ayaw nila, e'di aalis akong hindi sila kasama.

I spent my time in the library for the rest of the days of this week. At nang makatiyempo tuwing uwian ay kinakausap ko si mama tungkol sa lakad ko.

"How about the soccer you told me last time?" tanong niya habang nakatingin lang sa screen ng laptop niya.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now