21

26 8 0
                                    

A SCRATCH

***

"Ayan, ang ganda ng anak ko." Inabot ni mama sa 'kin ang bilog na salamin para makita ko ang mukha ko. "'Di ba? Light make-up lang ang linagay ko pero sobrang ganda mo talaga."

I smiled as I watched my reflection.

"O, sige na. Hinihintay na tayo ng papa mo sa labas. Ynez, halika na."

I bit my lower lip as I watched my mother getting her things ready. Is it really okay for her? Alam na niya ang totoo pero mukhang wala lang sa kaniya, ganiyan na ba siya ka-martyr?

"Ma, ayos lang ba talaga sa 'yo 'to? Kasama natin si papa."

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa 'kin.

"Ayos lang ang lahat para sa inyo. Hindi naman kailangang maghiwalayan dahil lang do'n. Isipin natin si Ynez, kailangan niya ng pagmamahal sa ama habang lumalaki."

"Pero ma."

"Anak, 'wag ngayon. Maging masaya tayo, okay?"

Kagaya ng sinabi niya, kinalimutan ko na lang muna kung ano ang makakalungkot sa 'kin. We arrived in the venue early. We lined outside the campus and after a minute the ceremony started.

I can't focus on the ceremony, palipat-lipat ang mga mata ko sa magkabilang side ng venue para lang mahanap si Dominic. I know he's busy but I'm still expecting him to come.

The awarding for each completers has been announced, ang sabi ko ay si papa na ang sa certificate at si mama sa achiever awarding. Kaya nauna si papa na umakyat sa taas. Pagkatapos naman ay awarding ng achiever.

After are the speeches and pledge of loyalty. I didn't pay attention to their speeches, instead I counted my medals again and again while thinking if Dominic had come.

"Seven, eight, nine..." paulit-ulit kong bilang nito,

I was just back on the reality when it's time for the song where we'll give our gifts to our parents. Kinuha ko sa bulsa ko ang dalawang bracelet na ibibigay ko kayla mama. We sang up until the chorus and started to go to our parents to give our presents.

I put a wide smile on my face as I gave the bracelets to them together with the certificates I exclusively made for them. At akala ko hanggang doon na lang. Mas lumapad ang ngiti ko nang pabalik na sana ako sa upuan at may bigla na lang humarang sa 'kin na may dalang bouquet of daisy.

"Congratulations, Hazel Ruth." Inabot niya ito sa 'kin at doon ko pa napansin ang Channel box na nasa gitna ng bouquet.

"Hoy, sobra naman 'to." Tumingin ako sa itaas para pigilan ang luha ko. "Thank you, Dominic." Hindi ko mapigilang yumakap sa kaniya sa saya.

This is one of the best days of my life. This is my first time receiving a bouquet, at sa ganitong event pa! After the closing ceremony, we took so many pictures. With friends, family, and with him... my special one.

The next day it was their graduation. Since pupunta si mama kasi isa siya sa mga nagfa-facilitate sa graduation ng senior-high, I begged her to let me attend the ceremony too. Hinanda ko na ang susuotin ko at ang ibibigay kong aqua-flask sa kaniya.

It is a beige aqua flask with some cute stickers and a fluffy keychain. Hindi ko alam ang favorite color niya pero sa napapansin ko, mahilig siya sa kulay beige.

I can't forget how his tears fall when he saw me wearing the same color as my gift to him.

"Saan ang gift sa inyong dalawa?" Nakapag-joke pa siya kahit halata namang umiiyak na.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now