08

34 9 0
                                    

I NEED YOU

***

"Dito na lang, baka makita nila tayo."  Tumigil ako sa paglalakad kung saan kami laging tumitigil. Hindi naman na siya nagreklamo at tinignan ako ng ilang segundo. Nakakailang, pero gusto ko rin na tinititigan niya ako, gusto ko ang nararamdaman kong ito.

"Ingat ka," mahina niyang saad,

"Ikaw ang mag-ingat, malapit na 'yong bahay namin, oh!" Turo ko sa bubong ng bahay namin na nahaharangan sa bubong ng unang bahay. "Malayo pa 'yong sa inyo, kaya mag-ingat ka sa daan." Tumingin ulit sa kaniya at ngumiti.

"O'po, mag-iingat ako." Ngumiti siya na hindi pinapakita ang ngipin na mas lalong nakapapogi sa kaniya.

We did our endless goodbye's before I entered our house. As usual, walang tao o boses man lang ng pamilya na bumungad sa 'kin. Siguro hindi pa nauwi si kuya at si papa. Si mama naman nasa opisina niya siguro. Si Ynez, oo, si Ynez, nasaan kaya siya?

"Ynez?" mahina kong tawag sa pangalan niya at tumungo sa hagdan. Pilit kong sinisilip ang second floor habang umaakyat sa hagdan at muling tinawag ang pangalan ng kapatid.

Hinanap ko siya saa balcony, sa k'warto niya, sa k'warto nila papa pero walang tao. Naisipan kong bumaba ulit at baka may note si mama na iniwan. At kagaya ng hinahanap, mayroon ngang nakadikit sa fridge na sticky note.


Anak, may emergency sa bahay ng lola. Walang naiwan sa bahay para magbantay kay Ynez kaya sinama ko na lang siya. May pera akong iniwan sa desk mo kung gusto mong sumunod dito. Pero kung hindi, gamitin mo na lang 'yan pang-hapunan habang hinihintay sina papa at kuya mo. Ingat ka riyan, baka bukas pa kami makakauwi.

- Mama,


Marahan akong napairap bago binuksan ang fridge at kumuha ng Yogurt. Hindi naman siguro masama kung ito lang ang kakainin ko ngayong gabi. Pagkatapos ay umakyat ako sa taas at dumiretso sa k'warto para hanapin ang sinasabi niyang pera.

"Kung mag-icecream kaya ako?" Ngumisi ako at tumingin sa digital wall clock ko. It's still 6pm, p'wede pa akong umalis para bumili sa 7-eleven.

Hindi na ako nag-abalang magbihis at dinala ang dalawang daan. Iniwan ko ang malaking halaga ng pera na binigay ni mama sa wallet ko at tinago ito sa lockable drawer ko.

Nakasimangot akong naglalakad sa daan habang tinutungo ang convenience store. Pabilis nang pabilis ang lakad ko nang mapansing dumidilim na at nakalimutan ko ang phone ko sa kama. Malayo sa amin ang 7-eleven kaya tiyak na gagabihin ako.

Pagkapasok sa convenience store ay dumiretso ako sa Glass-top-display-freezer para pumili ng icecream. Matagal na no'ng huli kong kumain nito kaya medyo nahihirapan ako sa pagpili ng flavor. Sa huli, 'yong icecream cup na chocolate flavor na lang ang binili ko.

Bumili rin ako ng mga pagkain na binawal sa 'kin ng doctor. Wala akong pake kung ano ang resulta, ilang taon na akong sumusunod sa bilin niya pero wala namang nangyari na recovery ng disease ko.

Dinala ko ang lahat ng 'to sa counter at binayaran 'tsaka dumiretso na sa labas para umupo sa isang table. Binuksan ko ang icecream cup at ang chocolate bar, nagbali ako ng dalawang bar at linagay ito sa tuktok ng icecream 'tsaka hinalo ito.

Habang kinakain ang icecream na may chocolate ay kumain din ako ng potato fries na binili ko sa 7-eleven. Wala naman akong naramdamang kakaiba kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa. Dinaan ko sa pag-kain ng matatamis ang lungkot na nararamdaman ko.

Sino kaya ang p'wede kong puntahan ngayon? Nasa field pa kaya si Dominic? I wonder what he's doing right now.

Natigilan lang ako sa ginagawa nang mapansin ang pamilyar na lalaki na kakalabas lang sa restaurant na nasa kabila, may kasama itong babae at tawang-tawa silang dalawa habang naka-akbay siya rito. Agad akong tumayo at sinundan sila. Hindi ako nagkakamali, si papa 'yong nakita ko.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now