25

28 8 0
                                    

AND AGAIN, HE CAME

***

"Nakita mo na, puntahan mo na!" Tinulak ako ni Aubrey papunta sa direksyon niya. Pero kailangan ko pa ng ilang tulak, ang layo niya pa, eh! "Sige na, go!"

"Hi, Soriano." Nalipat ang tingin ko sa matangkad na lalaki na biglang sumulpot. I looked at him from head to toe. "Shaun." Paglahad niya ng kamay para makipag-shake hands sa 'kin.

Tinignan ko lang ang mga kamay niya at nagdadalawang-isip na ilahad ang kamay ko.

"Ay, teka lang pogi, ah? Mamaya na lang." Bigla akong hinatak ni Aubrey at dinala sa kung saan. "Ayan tuloy, umalis na." Natigilan kami pareho habang pinapanood ang big bike ni Dominic na papalayo.

Nakakainis, nalingat lang ako saglit tapos umalis na siya. Ang hirap mo namang lapitan, Dominic!

"Hindi talaga ako 'yong pinunta. Siguro may pinuntahan lang siya rito saglit ta's nakita lang tayo." Dire-diretso akong naglakad palabas ng campus, free time naman namin pareho kaya mabuti pang kumain na lang muna kami sa labas.

"Ikaw naman kasi, ba't ka ba natulala sa poging 'yon? Nasayang na naman tuloy 'yong momentos niyo ni Dominic." Tumabi sa 'kin si Aubrey at pinantayan ang mga hakbang ko.

"Kahit na, kung ako ang sadya niya e'di naghintay sana siya. Kaso hindi." Tumigil ako at humarap kay Aubrey. "Tulungan mo na lang ako kumalimot."

"Ba't ka umiiyak? Gaga! Nagkita na nga ulit kayo, eh. Tapos kakalimot?" Natatawa niyang pinahiran ang luha sa pisngi ko. "'Di bale, makakausap mo rin ulit siya."

Pagdating ko sa apartment ay wala akong ibang ginawa kun'di ang humiga ng padapa sa sofa at nakatutok lang sa screen ng phone ko. Nags-scroll lang sa fyp ko kahit na hindi naman naiintindihan ang mga pinapanood.

I scroll and scroll until a live video pass by. Hindi lang ito normal na live para sa 'kin kasi pamilyar ang tao na nagh-host. Agad akong napabangon at kinunan ito ng screenshot 'tsaka sinend kay Aubrey.

aubarie: is that dominic?

Pareho kami ng iniisip, nakilala rin niya agad.

aubarie: panoorin mo, malay mo makahagip ka ng clue sa live na 'yan

Tamang-tama sa pagpop-up ng message niya ay nagsimula na sa pagbabasa si Dominic sa comments.

["Uh-- hi, Honeypop. Cute naman ng name."]

Nagbago na pala talaga siya. Parang kahapon lang deactivated lahat ng accounts niya except his Instagram. Tapos ngayon famous na siya sa Tiktok?

["'Kuya, are you not in a relationship?' Ahm... hindi pa. But these days, siguro sasagutin na niya ako after years of waiting."]

Namilog ang mga mata ko nang marinig ang sagot niya sa isang comment.

["'Are you into someone?' Yes, still into her, waiting. Simula noon hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako."]

Who is he referring to? May parte sa 'kin na masaya pero may parte rin na nasasaktan. Paano kung nag-a-assume na ako tapos iba pala ang tinutukoy niya? I mean... may iba na ba siyang nakilala just after I ended up with him?

["'Can you name drop?'-- No, I can't."] Patawa niyang inikot ng bahagya ang swivel chair niya habang nasa screen lang ang mga mata. He was reading the comments from his PC while the camera is on the side. Ang pogi niya talaga lalo na't sa sideview.

I was half happy when I turned off my phone. Humarap ako sa kisame at napatitig sa fordel ceiling fan. I can't stop myself from smiling. Natatawa ako na medyo naiiyak. Mukha na akong baliw ngayon!

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now